Nang maintindihan ko na ang lahat ay nahihiya kong hinarap si Avery dahil sa aking inasal kanina. "Sorry, Avery. Masyado lang akong nahirapan sa mga pagsubok na ipinapagawa sa amin ni Sir Callum. Ikaw pa tuloy ang napagbuntungan ko ng galit," paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

"It's nothing, Blaire. So that means you'll eat?" tanong niya sa akin habang nakangiti ng napakalawak.

"Yes pero..." wika ko habang nakatitig sa dalawang itim na pulseras na nakasuot sa aking mga kamay.

"Tutulungan na lang kitang kumain," wika niya kaya lumiwanag din ang aking mukha.

Avery really helped me to eat properly. Minsan sinusubuan niya ako at pinapainom ng tubig. Kahit hindi ako komportable sa kalagayan ko ngayon ay masaya pa rin ako dahil naririto siya. I'm lucky to have her with me.

Nakita kong tumayo si Avery habang bitbit ang tray nang matapos na akong kumain. "You better sleep again, Blaire. You'll need it tomorrow. Good night," wika niya na sinuklian ko ng matamis na ngiting puno ng pasasalamat.

Then, I closed my eyes and tried to forget the burden I was carrying right now. I removed the negativities in my heart as I entered a peaceful state of mind. After that, I drifted into sleep.

_______

Nagising ako sa pangalawang pagkakataon nang marinig ko ang paparating na yabag ng paa ng isang tao. At pagkamulat ko sa aking dalawang mata ay ang nag-aalalang mukha ni Asher ang sumalubong sa akin.

"Wrong timing naman. Nagising ba kita, Blaire? Sorry," sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit dahil naantala ang tulog ko dahil sa lalaking ito. Pero masaya ako dahil iginugol niya ang kanyang oras para lang bisitahin ako.

"Huwag kang mag-alala, Asher. Hindi mo naman ako nagising, sadyang naramdaman ko lang na may paparating," wika ko sa kanya. Nakita kong ngumiti na siya nang marinig niya ang aking kasagutan.

"Ikaw talaga, Blaire. Miss mo lang ako kaya agad kang nagising," pahayag niya sa akin habang nakataas baba ang kanyang kilay. Ngumisi rin siya ng nakakaloko nang makita niyang namula ang pisngi ko.

"Hindi no!" malakas kong tugon sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya namiss. Pero bakit nga ba uminit ang pisngi ko kanina? Abnormal na yata ang katawan ko dahil sa hirap na dinanas namin sa Novitiate training.

"Aminin mo na lang kasi na gusto mong makita ang pinakapoging estudyante sa buong akademya," dagdag niya sabay kindat. Inirapan ko na lang siya habang tawa lang siya ng tawa. May pagkamahangin din pala ang isang Asher Fleming.

"Pasalamat ka at hindi ako makagalaw ngayon. Dahil kung hindi, baka pugot ka na sa malakas kong batok sa iyo," sagot ko na lang sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Huwag mong gagawin iyon, Blaire. Wala ng poging kukulit sa iyo, sige ka," banat niya pa rin kaya tumahimik na lang ako. Mauubos lang ang pasensya ko sa lalaking ito at ayaw kong mangyari iyon, dahil alam kong kakailanganin ko pa ang buong pasensya ko mamaya.

"Uy bakit ka tumahimik? Galit ka ba? Sorry na Blaire," tanong ni Asher nang mapansin niyang tumigil ako sa kasasalita.

"Hindi naman ako galit. Sadyang ang ingay mo lang talaga at baka magising mo ang ibang natutulog," sagot ko sa kanya pagkatapos kong maigala ang aking paningin sa silid kung saan kami naroroon ngayon.

The spacious room looks like a large infirmary in the Healing Camp. There are many beds that looked the same as mine. Large glass windows allowed me to see the inner courtyard. Two large double doors, that are parallel to each other, occupy each side of the room.

Halos lahat ng mga kama ay okupado ng mga Novitiates na kasama namin sa training. Tulog pa silang lahat dahil may isang oras pa namang natitira bago magsimula ang aming training.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now