Hindi ito natatabunan ng niyebe kagaya ng ibang mga puno at mas malaki ito kumpara sa iba. At ang ikinagulat ko ay mayroon itong dahon at namumunga pa ng iba't ibang prutas.

"Selene! Punta ka rito! May ipapakita ako sa iyo!" Sabik na sabik kong tawag sa aking kaibigan habang pinagmamasdan ang puno sa malayo.

"Paparating na Blaire. Ano ba yang nakita mo?" rinig kong tanong niya sa akin habang tumatakbo sila ni kuya papalapit sa akin.

"Makikita mo rin, Selene! Bilisan mo!" masigla ko pa ring wika at tumakbo na rin papunta sa punong iyon. Nang makarating ako doon ay nakita kong gumalaw ito. Natigilan ako nang biglang umangat ang puno mula sa lupa. Bigla itong nagkaroon ng dalawang kamay na gawa sa matutulis na sanga at ugat. May mata ring nakaukit sa puno at nanginig ako nang makita kong nakatingin ito sa akin ng masama.

"Blaire!" rinig kong tawag sa akin ni Selene. Hindi ko magawang lumingon at gumalaw dahil sa sobrang takot.

Biglang tumayo ang punong iyon at narinig kong umungol ito ng napakalakas bago sumugod papunta sa akin.

Pero bago pa ako masaktan ng puno ay naramdaman kong itinulak ako ni Selene palayo. Natumba ako pero nahagip ng aking mata kung paano hampasin ng halimaw ang aking kaibigan. Dahil dito ay tumilapon si Selene sa malayo.

"Selene!" sigaw ko habang umiiyak. Mabilis na nagsidaluyan ang mga luha pababa sa aking mukha.

"Iligtas niyo ang kaibigan ko!"

_______

I woke up with tears streaming down my face. Pitong taon na ang nakalipas noong nangyari ang trahedyang iyon pero damang dama ko pa rin ang sakit ngayon. Napakahirap mawalan ng matalik mong kaibigan. At napakasakit dahil ako ang dahilan kung bakit siya nawala.

It really left a big hole in my heart. I was in pain this past few years. Naging mailap sa akin ang ibang taga-bayan at naintindihan ko naman kung bakit ganun ang pagtrato nila sa akin. I am the reason why my best friend died.

Walang araw noon na hindi ko sinisi ang aking sarili.

But it already happened. I can't change the past. I just have to accept it, knowing that there is a reason for everything.

Sinubukan kong maging masaya kasi alam kong malulungkot si Selene kapag nakikita niya akong nagdurusa. Pero kahit anong pilit kong itago ang sakit, bumabalik lang ito ulit.

Laking pasasalamat ko na lang sa pamilya ko dahil hindi nila ako pinabayaan sa mga panahong iyon. Dahil sa napakabata kong edad ay naranasan kong mawalan ng kaibigan. They have helped me move on. But deep inside, I knew that the wound would heal, but it will leave me scarred forever.

Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago tuluyang bumangon. I need to break away from the chains of the past. Alam kong masaya na si Selene kung nasaan man siya naroroon ngayon. In that place, I know that she's safe and contented. At ayaw kong malungkot siya dahil nakikita niya akong umiiyak ngayon. I'll be stronger starting now. And I'll move on. This time, for real.

Napatingin ako kay Ella na nasa aking tabi. Nakita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay habang nakatitig sa nagaganap na labanan. Nang mapatingin ako roon ay may nakita akong lalaking may hawak na bolang apoy. Patuloy nitong nilalaban ang mga punong halimaw pero nararamdaman kong paubos na ang kanyang lakas.

Why is he protecting us?

"Blaire, mabuti at gising ka na," rinig kong wika ni Ella. I responded with a weak smile. Nakita kong nagtatago kami sa likod ng mga halaman at pinapanood lang ang nagaganap na laban.

"Kailangan natin siyang tulungan, Ella," wika ko sa kanya. She showed her agreement by nodding at me.

I can't afford to see another person die because of those trees. I know that this is already the right time. The right time to avenge the death of my best friend.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now