I gathered all my courage before reaching out to the gemstone. Surprisingly, I wasn't hurt when my hands touched the swirling wind. I felt a chilling sensation instead of pain when I came in contact with it. And as I pulled my hand out, I was surprised to see that I am already holding a blood ruby.

"Finally," bulong ko habang patuloy na namamangha sa ganda ng pulang diyamante. Sa wakas, makakaligtas na ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay naglaho na ng tuluyan ang tornado at naging maaliwalas na ulit ang kapaligiran.

A loud explosion interrupted and eradicated the peacefulness. Nakita kong nagsiliparan ang mga ibon paalis sa hilagang bahagi ng kagubatan na malapit sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso kaya agad kong tinago ang diyamante sa hidden pocket ng aking combat suit. Mabilis akong naghanap ng matataguan dahil nararamdaman kong may paparating na panganib.

Dahan-dahan akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na puno. Natakot ako nang makarinig ako ng malalakas na yabag ng mga paa na paparating sa aking direksyon. Maingat akong umakyat habang nagmamasid sa kung ano man ang paparating. Iningatan ko ang aking galaw dahil hindi masyadong matibay ang sanga na aking kinakapitan.

Tatlong lalaki ang lumabas mula sa madilim na kakahuyan. I have a feeling that they're not ordinary.

May dala silang maraming armas at masasabi kong delikado ang mga iyon. Tahimik na naglalakad ang isa na may hawak na baril habang ang dalawa niyang kasamahan ay maingay na nag-uusap.

"Sigurado ka bang may mahahanap tayong blood ruby dito?" tanong ng lalaking pula ang buhok sa kanyang katabi. May hawak itong isang matalas na espadang may bakas pa ng natuyong dugo. Nakakakilabot ang mukha nito na para bang isang mamamatay-tao.

Ngumisi sa kanya ang kanyang katabi bago sumagot. "Oo naman, pare. Gusto kong tayo ang maunang makatapos para makuha natin ang premyo. Papatayin ko ang sino mang hahadlang sa atin," sagot nito at naghagis ng isang dagger sa malapit na puno. Napalunok ako nang makitang bumaon ito sa isang sanga.

Kinabahan ako sa tatlong lalaki. Tiyak na wala akong laban sa kanila kapag nagkataon. Napakapit ako ng mahigpit sa malaking sanga kung saan ako naroroon habang minamasdan sila mula sa itaas.

I need to be extra careful. Ngayong may hawak na akong diyamante, magiging mainit na ako sa mga mata ng aking mga katunggali. Hindi ko alam ang makakaya nilang gawin para lang makapasa kaya susubukan kong umiwas sa panganib. At all costs.

Nakita kong yumuko ang ikatlong lalaki at parang may inaamoy sa kalupaan. Mayroon itong malaking pangangatawan at nakakapanindig balahibo ang presensya nito.

"May naaamoy akong isang babae. Malaki ang hinala kong nasa kanya ang isa sa mga pulang diyamante. At hindi pa siya nakakalayo," seryosong wika ng ikatlong lalaki sa kanyang kasamahan kaya agad silang natahimik. Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil sa aking narinig.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang umihip ng napakalakas ang hangin. Bigla akong napabitaw sa sanga pero agad ding napakapit ulit doon. Pero sa kamalas-malasan ay nahulog ang aking pana. Gumawa iyon ng ingay na siyang kumuha ng atensyon ng tatlong lalaki.

"Nandito pa rin siya. Kung sinuswerte ka nga naman," sarkastikong wika ng lalaking may hawak na espada habang iniikot ang kanyang patingin at inihahanda ang kanyang gagawing pag-atake. Agad kong itinago ang aking sarili sa likuran ng mga mayayabong na dahon ng puno upang hindi nila ako makita.

"Sa tingin ko, nanggaling iyon sa tuktok ng puno," rinig kong saad ng lalaking may hawak na dagger. Agad na sumeryoso ang mukha ng lalaking may hawak na baril kaya bumilis ang kabog ng aking puso. Huwag naman sana.

"Kung sino ang unang makapatay sa babaeng iyon ay siyang makakakuha ng diyamante. Simulan na!" parang nababaliw na wika ng lalaking may hawak na dagger at nagsimula nang hanapin ang kinaroroonan ko.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now