Online Class (Parts 1-4)

Start from the beginning
                                    

Part 2

Hello mga ka-spookify! Si KillerNurse po ulit ito. Pasensya na po at natagalan yung part 2, natadtad kasi kami ng reporting and case study kaya nawalan ng time mag-update. Anyway, ito na po 'yung katuloy.After kong mag shower ay humiga na'ko at handa nang matulog, pero bago 'yun ay nagcheck muna ako ng phone ko. Konting browse sa tiktok and facebook hanggang sa naisipan kong icheck 'yung mga navideo ko kanina para alam ko kung marami pa ba akong itutuloy na video kinabukasan. Pag pindot ko sa gallery ko ay nagtaka ako dahil puro black lang lahat ng videos. Kaya pinindot ko isa-isa para tignan kung may nakuhanan ba ako o wala. Nairita ako ng mga oras na 'yun dahil ang ganda pa naman ng pagkagawa ko ng kilay ko doon.Pinindot ko na yung unang video at nagulat ako dahil black lang talaga siya at wala ring sound, so swi-nipe swipe ko na hanggang at nagulat ako dahil pag dating sa last video ay okay naman siya. Nakuhanan pa nga ako na nagulat dahil doon sa malakas na pag kalabog ng pinto sa bodega.Ang pinagtatakahan ko lang, sa pag-kakaalam ko kasi ay inistop ko yung recording bago ako pumunta sa bodega pero dito sa video ay nag tuloy-tuloy parin siya hanggang sa umalis ako papuntang bodega. Kaya pinanood ko lang yung buong video hanggang sa may napansin akong parang dumaan na anino, inulit-ulit ko pa yung video para masigurado ko kung namamalik-mata lang ba ako o dahil lang sa antok. Pero talagang anino siya e, imposible namang magkaroon ng anino ng tao doon e mag-isa ko lang sa bahay at ako naman ay nasa bodega.So tinuloy ko paring panoorin yung video para tignan kung may kakaiba pa bang nangyari habang wala ako. Hanggang sa unti-unti ng nagkakaroon ng ibang tunog yung video, parang may batang umiiyak at palakas ito ng palakas. Nakaramdam ako agad ng kilabot at takot pero gusto ko paring tapusin yung video dahil sa curiosity ko. Ang ingay na nung iyak ng bata at ang sakit na niya sa tenga. Kaya nakapagtataka talaga kung pa'anong nagkaroon ng ganong kalakas na iyak ng bata sa video e wala namang bata dito sa'amin dahil nga mag-isa lang ako and wala rin akong narinig na umiiyak ng mga oras na yan. Sa takot ko ay ini-stop ko na agad yung video dahil sobra na 'yung kilabot ng katawan ko. Feeling ko nag susuper cyan na yung mga buhok ko dahil sa kilabot. Tagos hanggang buto yung nerbyos ko at pakiramdam ko ay nanginginig buong kalamnan ko dahil doon sa video.Binack ko na yung video pero ayaw niyang ma-back. Paulit-ulit ko ng pinindot pero ayaw talaga. Hindi naman nag-lalag tong phone ko kaya nakapag-tataka na bigla nalang ayaw mapindot. Pinindot-pindot ko pa ulit at nagulat ako ng bigla nalang magplay ulit yung video. Lalo pang kumalat ang takot sa buo kong sistema dahil 'yung video ay nagsimula agad sa pert na may malakas at nakakarinding iyak ng bata. Kaya sa sobrang taranta ko ay pinower off ko nalang yung phone ko para manahimik.Hindi ako gaanong nakatulog ng gabing 'yon kaya medyo bangag ako sa online class kinabukasan. Ako pa naman mag-rereport, hays! Bahala na si batman! Bago ako mag report is nag attendance muna si ma'am. Tutal second to the last pa naman akong matatawag dahil sa last name ko, nag paalam muna ako kay Ma'am na mag-ccr muna ako. Bago ako umalis ay sinigurado ko munang naka-off ang cam at mic ko.Nang masigurado ko nang naka-off lahat ay agad na akong tumayo at pumunta ng CR. Maya-maya, pagkabalik ko ay sakto namang ako na rin yung tatawagin sa attendance, kaya inopen kona yung mic ko para mag sabi ng "Ma'am, present po" ngunit nagtaka ako kung bakit tumatawa lang si Ma'am."Hay nako Blake, kanina pa naming alam na present ka, ang lakas pa nga ng boses mo kanina habang kumakanta" tumatawang sambit sa'akin ni Ma'am."Hala Ma'am, hindi po ako 'yun. Hindi po ba't nag-paalam po ako sainyo kanina na mag-ccr lang po muna ako saglit?" paliwanag ko kay Ma'am.Natigilan si Ma'am at muling tinignan ang chat box."Oo nga no, pero baka hindi mo lang nai-off yung mic mo kaya naririnig ka namin habang kumakanta sa cr" pag-papaliwanag naman ni Ma'am."Hindi po talaga ako 'yun Ma'am, kasi inoff ko po yung mic ko bago ako nag-cr" sagot ko pabalik kay Ma'am."Class, sino ba yung naka-open mic kanina habang kumakanta?" tanong ni Ma'am sa klase."Si Luna po Ma'am""Si Luna Blake po""Si Blake po Ma'am, may umiiyak pa nga pong bata e baka hinehele niya po ata"Sunod-sunod na sagot ng mga kaklase ko na siyang dahilan na para akong tumigas at nastun sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung pa'ano ako mag-rereact sa mga sinabi nila at nanlalaki padin ang aking mga mata. As usual, mag-isa nanaman ako dahil nga may trabaho ang mga tao dito sa bahay, kaya pa'anong may kumakanta at umiiyak na bata dito.Nagsimula nanamang kumalat ang takot sa buong sistema ng katawan ko at nagsisitaasan nanaman ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi na ako naka-imik sa mga pinagsasabi nila Ma'am at ng mga kaklase ko, dahil alam ko nang may kakaiba nanamang nangyayari dito sa bahay tulad nung nangyari sa video kahapon.Pero kahit natatakot ay kailangan ko paring ituloy ang report ko. Pinaghalong nerbyos sa pag rereport at panginginig ng kalamnan dahil sa takot ang nararamdaman ko, kaya parang halos wala ng boses ang lumalabas sa lalamunan ko. Halos mablanko narin ang isip ko at nawawala nako sa focus para mag report.Habang nag-didiscuss ako ay nag rereklamo nanaman yung mga kaklase ko dahil sa ingay daw nung batang umiiyak. Pero wala naman akong naririnig, dahil kung galing nga sa mic ko 'yung ingay ay dapat ako yung unang makakarinig dahil ako yung nandito. Ngunit wala talaga akong naririnig na batang umiiyak."Miss Luna Blake, patahanin mo muna si ading mo para mas maintindihan namin ang report mo" pag interrupt ni Ma'am sa report ko."Sorry po Ma'am" ang tangi ko lang naisagot sakanya dahil wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman naririnig yung batang umiiyak. Kaya nag-dahilan nalang ako na ayaw talaga tumahimik ng pamangkin ko."Sige Luna, ivideo mo nalang yung report mo tapos isend mo sa classroom, okay? Next reporter, ipresent mo na yung powerpoint mo" sambit ni Ma'am na lalo kong ikinainis. Hindi ko pa nga natatapos yung demonstration video ko, tapos may ivivideo naman e ayaw nga akong pagawin ng mga engot dito sa bahay. Hays! Nastress talaga ako ng malala.11am na and last subject na namin to for this morning. Itong teacher kasi na'to is nirerequired kami na mag-on cam kasi kung sino lang daw ang na print screen niya na naka-on cam is sila lang daw yung present. Kaya kahit mukha akong nalosyang dahil sa takot ay napilitan akong mag-on cam."Oh, miss Blake! May mga bisita ata kayo ah. Ang daming daan ng daan sa likuran mo e" sambit sa'akin ni Sir. Akala ko ay sarcastic lang ang pagkakasabi niya dahil mag-isa lang ako dito sa bahay, pero naisip ko din na hindi naman niya alam na mag-isa lang ako ngayon. Kaya hindi ko nanaman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng kaba at takot."Hala Sir, wag ka pong ganyan. Mag-isa lang po ako ngayon dito sa bahay, Sir" natatakot na sagot ko kay Sir habang nakangiting aso para kunyare hindi takot.Natahimik si Sir at ang buong klase. Ngunit binasag ng isa kong kaklase ang katahimikang iyon."May third eye karin po ba, Sir?" tanong ni Gara kay Sir."Pano mo nalaman, Miss Gara?" pabalik na tanong ni Sir sakanya."Naka-open rin po kasi yung sa'kin Sir, lagi nga po akong may nakikita sa background ni Luna Blake twing naka-open cam siya" sagot ni Gara na lalong nakapagpataas ng takot sa buo kong sistema.Bukas din naman yung third eye ko, alam niyo yan sa mga matagal ng nakakabasa ng mga stories ko dito sa spookify. Pero hindi ko lang alam kung bakit itong mga nasa bahay namin ay parang ayaw magpakita sa'akin. Yung mga nasa ibang lugar, maski nga sa kapitbahay namin ay nakikita ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit yung nandito mismo sa sarili naming bahay ang hindi ko makita.Naisip kong baka unconsciously, bigla nalang nagsara mag isa yung third eye ko kaya ganon. Para testingin ay pumunta ako kila Lola ko, medyo malapit lang naman yung bahay nila sa'amin kaya safe naman atsaka naka-facemask naman ako nung nagpunta ako. Marami kasing multo kila lola ko, lalo na doon sa mga puno sa likod ng bahay nila. Pag dating ko ay agad akong sinalubong nung mga dati ng nakatirang multo sakanila, pero hindi yun alam nila lola dahil hindi ko sinasabi sakanila. May nervous breakdown kasi yun kaya baka atakihin pag nalamang may kasama siya laging hindi niya nakikita.Nagtataka ako dahil nakikita ko parin naman sila, kaya ibig sabihin ay nakabukas parin ang third eye ko. Maya-maya ay umuwi narin ako dahil baka maabutan ako ng curfew at marami pa akong videong tatapusin. Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko nanaman yung mga pusa naming nag-iingay at nakatingin sa isang dereksyon na para bang may inaaway. Ang lalaki pa naman ng mga boses at medyo creepy na pakinggan lalo na't mag-didilim na.Naiisip ko palang na dadaan ako sa dereksyong tinitignan nila upang pumasok ng bahay ay umaatras na agad ng kusa ang mga paa ko sa takot. Hindi na muna ako pumasok ng bahay at hinintay ko nalang ulit na dumating sila Mommy, tulad ng ginawa ko kagabi.Mga 7pm nung dumating sila Mommy at doon palang ako nakapasok ng bahay. Nagulat kami dahil pagpasok namin ay yung mangkok na nasa lamesa ay basag na. Wala akong nabasag na gamit kanina at lalong hindi ko mababasag yung mangkok dahil nag cup noodles lang ako. Kutsara lang ang ginamit kong utensil kaya imposibleng ako ang nakabasag non. Nasa gitna ng lamesa yung mangkok at yung basag ay nakagitna rin sa mangkakok. Parang pinukpok ng bato sa gitna, ganon 'yung itsura nung mangkok nung madatnan namin. Syempre, sino pabang papagalitan, edi ako! Ako lang naman naiwan dito buong maghapon e, pero 'dimo sure kung ako lang ba talaga naiiwan dito.Mas nakakatakot pala pag hindi mo sila nakikita, kasi hindi mo alam kung anong pwede nilang gawin sayo. Habang sinesermonan ako na wala na nga raw akong ginagawa dito maghapon, magbabasag pa raw ako ng gamit. Kung ayaw ko raw mag-hugas dapat daw nilagay ko nalang sa lababo. Sige raw at ubusin ko na daw lahat ng plato! Mag-mula noon, hanggang ngayon. 'Yan parin ang linyahan ni mommy twing may nababasag.Habang nag aarmalite yung bunganga ni Mommy ay pumasok na muna ako sa kwarto para mag-bihis. Sakto naman na pag-pasok ko ay biglang kumalabog 'yung pinto sa bodega."Nagdadabog ka pa ha? Ikaw pa ang galit?!" qalet na qalet, ux2ng manaket na siga sa'akin ni Mommy."Halla Meh, hindi ako 'yun. Sa bodega 'yun! Nakita mo namang hindi ko pa nga naisasarado tong pinto ng kwarto ko" paliwanag ko sakanya."Panong sa bodega e wala namang tao 'don!" galit na sigaw sa'akin ni Mommy.Hindi ko alam kung pa'ano ko ipapaliwanag sakanya dahil ni isa ay wala akong pinagsabihan ng mga kababalaghang nangyayari sa'akin dito sa bahay, dahil ayaw kong matakot sila."Yun na nga meh, kahit walang tao. Laging may kumakalabog jan" sambit ko kay Mommy at bigla nanamang may kumalabog."Oh, tignan mo meh, sa bodega talaga yung kumakalabog" nagulat sila Mommy at napatingin kaming lahat sa dereksyon ng bodega.Dahan-dahang naglakad si Daddy patungo sa dereksyon ng bodega upang tignan kung anong meron sa loob.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now