"Teka lang, ate Irene! 'Wag ka masyadong magulo. 'Yung buhok mong pinaghirapan kong plantsahin, baka magulo." sinubukang ayusin ni Jungkook ang buhok ng dalaga. Pero pinigilan lang siya nito saka pinagpatuloy ang pagsabunot sa kanya.

Mas lalong nainis si Irene sa mga ngiting binato sa kanya ni Jungkook kaya sapilitan niya na itong hinila patayo at tinulak papunta sa pinto.

"Woah! Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Jungkook sa kanya pero hindi siya umimik.

Nang nailabas na niya si Jungkook ay inambahan niya itong muli ng kamao kaya napaatras nalang ang binata habang natatawa pa.

"Sige na, sige na. Kumalma ka na," natatawang sabi ni Jungkook habang naglalakad na paatras at nakatingin lang sa kanya. "Bye, ate Irene!"

Nakatitig lang si Irene sa binata, manipis ang labi, naninigkit ang mga mata, at pulang-pula ang mukha sa hiya at inis.

Nangunot nalang ang noo niya nang bigla nalang itong nag-flying-kiss sa kanya habang natatawa pa.

"Pakyu ka! May pa-flying-kiss flying kiss ka pa!" sigaw ni Irene, gigil na gigil ang mukha.

"Bobo, hindi flying kiss 'yun!" sigaw pabalik ni Jungkook, mas mahina lang kay Irene dahil kontrolado parin niya ang sarili.

Aba, na-bobo pa 'ko. Tangnang ilong 'to. Pagkatapos gahasain ang labi ko, sasabihan ako ng gan'yan.

Kung hindi flying kiss.. "Eh ano? Tadyakan kita d'yan eh!"

"HALIK-copter, ate Irene! Halik-copter 'yun!"

Pinagloloko ba 'ko ng gagong 'to?!

Akmang kukunin na sana ni Irene ang tsinelas na suot at ibabato sa binata dahil sa sinagot nito at sa pagtawag nito sa kanya ng 'Ate Irene' ng paulit-ulit ngunit nakatakbo na agad ito pababa sa hagdan.

Pigil ang ngiti na sinara nalang niya ang pinto.

*•*•*

September 1

Muling tumikhim si Irene ng Korean Vodka na tinatawag ng kanyang mga tropa na 'Soju'. Hindi niya inakalang magugustuhan niya ang lasa nito. Gayon nalang ang dahilan kung bakit medyo pula na rin ang mukha niya at medyo hilo na.

Inilibot ni Irene ang paningin kung nasaan sila ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Malawak ang rooftop ng mga Jeon. Gabi narin kaya medyo malamig ang simoy ng hangin. Imbis na cake at iba pang mga pagkain na hinahanda sa mga birthday celebrations, vodkas at mga pulutan ang nakahanda. "Nineteen years old naman na 'ko", ika ni Jungkook. Wala namang kaso sa mga magulang niya kung mag-inuman lang sila hanggang umaga habang ipinagbubunyi ang kaarawan niya. Umuwi pa ng pansamantala si Joy galing Korea - ayaw daw nitong palampasin ang araw ni Jungkook.

Napansin ni Irene na mapupula na ang mga mukha ng mga kasama niya.

"Aahh! I miss you, Annabelle Lat my sweetypie!"

Dumako ang tingin ni Irene kay Jin sa harap niya na nasa pagitan ni Taehyung at Yoongi. Medyo humaba na ang buhok nito at tinutubuan narin ng bigote. Apektado parin kasi ito sa paghihiwalay nila ni Annabelle ilang buwan na ang nakakalipas.

"Tangina mo namang gilagid ka, mag-rap ka nalang kesa kumanta!" pagrereklamo ni Seulgi.

Sumunod siyang tumingin sa dalawang magkasintahang sina Yoongi at Seulgi sa kanan ni Jin na busy sa pagkanta sa karaoke at sa pagbabangayan, nanatiling matatag parin ang relasyon ng dalawa, hindi man ganu'n ka-sweet ngunit mararamdaman parin na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon