"Noona-yah, wae gyesok selca hae? (Why are you always taking so many selfies?)" tanong ni Hoseok, halata ang inis sa boses nito.

"Wae? Nan jeongmal yeppeun saramieoseo, (Why? It's because I'm a beautiful person,)" simpleng sagot ni Dawon saka tumalikod paharap sa kanila, itinaas ang cellphone, at ngumuso sa harap ng kamera. Pagkatapos makakuha ng ilang shots ay ibinaba na nito ang kamera at humarap sa kanilang Tita Lana. "I'm beautiful, right Tita Lana?" Dawon asked in her Korean accent.

"Oh yes," natatawang sagot ni Tita Lana saka dumiretso sa kusina upang maghugas ng kamay.

Dumiretso sa mesa si Mrs. Jung dala na ang mga pagkaing iniluto saka nilapag doon. "Eat well, Irene," fluent na pagkakasabi ng ginang saka nginitian si Irene.

Irene nodded and smiled back.

"Maeju-yah! Jeongmal? Mideul su ga eopseo! (Hey freakin' ugly person! Really? I don't believe it!)" natatawang pang-aasar ni Hoseok sa kanyang ate saka na nagsimulang kumuha ng pagkain at nilagay sa kanyang plato. "Jijeobunhan saekki! (Pig!)"

Nangiti muli si Irene bago sumubo ng pagkain na sa pagkakaalam niya ay bulgogi. Kakaiba talaga 'tong Yokababz na 'to kapag nagko-korean. Hanep! Si Jungkook, isang beses ko palang ata 'yun narinig mag-Korean tapos "Saranghae" pa ang sinabi! Gago talaga 'yung ilong na 'yun. Ipahid ko sa kanya 'tong uhog ni LJ e. Napatigil sa naisip si Irene saka mabilis na umiling. Sabing 'wag mong iisipin 'yung ilong na 'yun e!

"Hoseokie, geuron mal haji ma, (Hoseok, you shouldn't say things like that,)" natatawang sita ni Mrs. Jung saka naupo narin sa tabi ni Hoseok at kumuha ng sariling plato, kutsara, at tinidor. Na-miss din ng ginang ang mga asaran ng dalawa niyang anak kaya hinayaan nalang niya ang mga ito sa pagba-bangayan.

"Mwo?! Nongdamhaji ma! Ssagaji eopneun saekkiya, iri wa! (What?! Don't joke with me! Come here, I'll teach you some manners!)" ang mabilis na tili ni Dawon saka ibinaba ang cellphone at tumakbo ng mabilis kay Hoseok na mabilis rin namang nakatayo at nakatakbo palayo sa kanyang sumusugod na ate.

"Ahh! Eomma, sallyeo juseyo! (Ahh! Mom, help!)" ang paghingi ni Hoseok ng tulong habang sunud-sunod na nakakatanggap ng malalakas na kutos sa kanyang maliit na ate na patuloy na nagmumura sa salitang Korean. "Irene?! Nakikita mo ba kung ga'no ka-bruha ang ate ko?!" natatawang sigaw ni Hoseok habang sinusubukang ilagan ang sunud-sunod na kutos ni Dawon. "Aray ko naman, 'te! Mahal na mahal mo talaga ako, 'no? Palibhasa kasi hindi nagustuhan ni Jin hyung! Haha!"

Mahinang napahagikgik sa nakita si Irene. Napaka-sweet talaga ng magkapatid. Tipong hindi na mapaghihiwalay ang dalawa kahit na ano pang problema ang tahakin nila. Makikita kila Hoseok at Dawon na mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa sa kabila ng mga asaran at sakitan nila. Agad namang iniiling ni Irene ang ulo nang maalala si Kaloy pati ang ate Nicole niya. Pinangako niya sa sarili na kapag nakauwi na siya ay di-diretso siya sa Antipolo upang duon naman magbakasyon kasama ang pamilya.

"Apa! (That hurts!)" sambit ni Hoseok habang hinihimas-himas ang kanyang ulo. Nakaakbay na si Dawon sa kapatid kahit na matangkad ito at malapad ang mga ngiting bumalik sila sa harap ng hapag-kainan.

"Majado ssa! (You deserve it!)" natatawang saad ni Dawon saka na bumitaw sa pagkakaakbay sa kapatid at umupo sa pagitan ng kanilang dalawang pinsan na sila LJ at BJ.

"They are always like that everytime," ika ni Mrs. Jung kay Irene saka umiling at nagsimula na ring kumain.

Nakakatuwa naman ang Jung Family.

Napabuntong-hininga si Irene saka binigyan ng isang maliliit na ngiti ang mga ka-pamilya ni Hoseok.

I miss you Kaloy, ate Nicole, kuya Ping, at Nanay.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon