"Walang masama sa ginawa ko hyung!" nagtagpo narin ang mga kilay ni Jungkook at pinandilatan si Hoseok. Palihim na nayukom narin ang mga kamay niya. Pakiramdam niya ay pinapamukha sa kanya ng nakakatanda na mali ang ginawa niya kay Joy. "Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko'ng tama!"

"Tangina naman maknae, bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to? Ngayong nararamdaman kong malaki ang pag-asa ko kay Irene, saka ka naman sumingit. Ang laki ng angat mo sa'kin maknae! Ikaw ang gusto niya pero wala kang ibang ginawa kun'di ang saktan siya. . .Hindi ko hahayaang mapasayo si Irene maknae. Gagawin ko ang lahat," nakayukom ang mga kamay na sunud-sunod na sabi ni Hoseok.

Nangiti lang ng matipid si Jungkook saka seryosong tinignan ang kaharap. "Aminin mo na hyung, sa'ting dalawa, mas malaki ang chansa ko kay Irene. Ako ang gusto niya hyung kaya tigilan mo na ang pang-aangkin sa kanya. Ipaubaya mo siya sa'kin!"

Napasinghal si Hoseok saka napatingin sa ibang direksyon at muling tumingin kay Jungkook. "Tangina, nakakaasar na ha maknae. Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yun?"

Nagpalitan lang ang dalawa ng matatalim na tingin-ayaw magpatalo sa isa't-isa. Kulang nalang ay mga supporters sa paligid na sinisigaw ang mga manok nila.

Huminga ng malalim si Jungkook saka iniwasan ang masasamang tingin sa kanya ni Hoseok. "Hyung, ayoko na, wag na nating pag-awayan 'to please. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sa isang babae. Hyung, tanggapin mo na. Sa ating dalawa, ikaw ang dapat na magparaya," kalmadong ika ni Jungkook na mas kinainis lalo ni Hoseok.

"Imposible. Hinding-hindi ko magagawa yan," kalmadong sabi ni Hoseok habang nakangisi. "Gustung-gusto kitang suntukin ngayon maknae-pero hindi ko magawa-nakakainsulto. Sa tingin mo ba mababaw lang 'tong nararamdaman ko kay Irene para isipin mong ako ang nasa posisyon para magparaya?!"

"Hyung, di ko na kailangang ipaliwanag pero alam kong alam mo ang sinasabi ko," mabilis at matigas na sabi ni Jungkook.

Tinitigan lang ni Hoseok ang naging maamong mukha ng nakababata. Hindi siya magpapatinag dahil hindi pa siya nawawalan ng pag-asa. "Hayaan mong si Irene mismo ang pumili sa'ting dalawa. . ." huling sabi niya saka umalis, leaving Jungkook behind.

*•*•*

"Irene, para kay Kaloy naman 'to..."

Again, Irene heaved a deep sigh habang inaalala ang sinabi sa kanya ng kapatid na si Nicole nang tinawagan siya nito ilang minuto palang ang nakakalipas. Inayos niya ang paghiga sa kanyang kama saka napapikit.

"Isasama ko siya sa Korea, Irene. Hindi ko na kayang makitang araw-araw na umiiyak ang bunso natin. Gusto kong tumira siya sa ibang environment-kung saan makakamove-on siya sa pagkamatay ni nanay."

Why do I have to be so weak?

Hindi nanaman mapigilan ni Irene ang maluha. Palagi nalang siyang umiiyak pagdating sa pamilya niya. Si Kaloy kasi-nalaman niyang umiiyak pala ito gabi-gabi ng pasikreto dahil nami-miss niya na ang nanay. Sa harap ng ibang tao ay magmamatapang naman ito-maging sa pamilya niya.

Hindi naman kailangang magpanggap ni Kaloy na kaya niya e. . .

Crying helps to ease the pain.

Pero kahit ilang beses naman atang umiyak, hindi parin mawawala yung sakit. It takes time to heal the pain.

Mahirap pero kailangang kayanin.

Nasa'n na ba kasi 'yang time na yan nang madekwat ko para mahilom na 'tong putanginang sugat sa puso ko?

Jungkook, putangina mo halika rito pasayahin mo ko sasakalin kita hanggang sa hindi ka na makahingang kingina mo ka.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon