Jeon Jungkook: thats the thing about seenzone, it demands to be read.

Seen 8:56

Bahagyang napatawa sa ni-reply si Jungkook dahil pinalitan niya ang ibang mga words na nakuha niya sa palabas. Pero agad ding nagseryoso nang lumingon sa kanya si Taehyung na nagtataka, baka kasi ay mapagkamalan pa siyang bangag ng kaibigan - kahit itong kaibigan niya naman talaga ang bangag.

Jeon Jungkook: from now on, seenzoned is our always. seenzoned?

Seen 8:57 pm

Napaungol ng mahina sa inis si Jungkook. Dapat re-reply-an niya ako ng 'seenzoned'.

Jeon Jungkook: sige ako nlang dn sasagot sa sarili ko. tutal tumigil nnman ang mundo mo sa message ko sa sobrang kilig mo kaya ndi ka na nkareply. ulitin ko ha?

Seen 8:58 pm

Jeon Jungkook: seenzoned?

Seen 8:59 pm

Jeon Jungkook: seenzoned.

Seen 9:00 pm

*•*•*

The next morning. . .

"Oh, bakit parang nagmamadali ka maknae? Sa'n lakad mo?" tanong ni Jin nang mapansin ang pagmamadali ni Jungkook sa pagkain bago sumubo ng isang kutsarang kanin na may itlog sa ibabaw.

"Wala, hyung. None of your business," nakangiting sagot ni Jungkook pagkatapos uminom ng tubig.

"Aba, um-i-english ha," Yoongi commented, a bit of amusement on his tone.

Sabay-sabay na nag-almusal ang magkakaibigan na daily routines na nila kapag hindi masyadong busy ang iba o walang gagawin. Ngayon na rin ang uwi nila Jimin at Taehyung sa kanilang hometown sa Korea kasama ang mga pamilya nila upang magbakasyon. Si Jin ay nanatili lang sa bahay nilang magkakaibigan dahil sa kanyang trabaho - pansamantala rin namang mamamalagi si Annabelle kasama si Jin para magkaroon sila ng oras sa isa't-isa. Si Namjoon naman ay uuwi rin sa kanyang bahay kasama si Miju upang ipakilala sa kanyang mga magulang ang kanyang bagong nobya. Sa susunod na linggo naman ang uwi ni Hoseok sa probinsya para bisitahin ang kanyang pamilya - balak rin kasi niyang isama si Irene at ipakilala sa kanila. Mananatili lang rin si Yoongi sa kanilang bungalow katulad ni Jin dahil sa trabaho nito. Habang sa susunod na linggo rin ang uwi nila Jungkook kasama ang kanyang pamilya sa Korea para magbakasyon.

"Mga pre, unti-onti na 'kong nagiging wifi-zoned kay Kris," panimula ni Jimin na malungkot ang boses. Pinaglalaruan lang niya ang kanin gamit ang tinidor na pinapaikut-ikot niya sa plato habang nakatitig lang du'n.

"Ya, wag mong paglalaruan ang grasya," paninita ni Taehyung na nakaupo sa harap ni Jimin saka hinawi ang kamay ng kaibigan na wala sa sariling pinaglalaruan ang pagkain. "Kung ayaw mo ng hotdog mo, akin nalang. Masamang pinaglalaruan ang grasya." hindi pa man nakakapayag si Jimin ay kinuha na ni Taehyung ang hotdog. Wala nalang siyang nagawa kun'di ang hayaan ang kaibigan.

"Eh bakit ako, pinaglalaruan ako ng grasya ko?" Jimin retorted. "Hindi ko na alam kung kami pa ba ni Kris o ano e," he continued then sighed.

"Hyung, bakit ka naman nagiging wifi-zoned kay Kris?" takang tanong ni Jungkook bago muling sumubo ng pagkain habang nakatingin lang sa katabing si Jimin.

"Para kasing signal ng wifi nila Manong Rodel 'yung relasyon namin ni Kris - minsan malakas ang connection, minsan mahina, pero madalas patay." saka sumubo si Jimin ng dalawang beses ng kanin na walang ulam at malungkot ang mukha na ngumunguya-nguya.

Jungkook is Mine [completed]Where stories live. Discover now