Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)

Start from the beginning
                                    


Part 4 : The Awakening and Mystery SolveHi Admin and Spookifylovers Ediwow Caluag for the very last time of this story.Note: Unlike sa Part 2 isinama ko yung 2 Latin Prayer dahil Safe po iyon, nasa kalagitnaan ako ng pag tatype ng Vanishing at Release Prayer ng mag PM at mag bigay ng warning sila Kuya K sakin, wag ko daw isasama yung mga Prayer na ito dahil una, Authorize Person like Exorcism Priest at Paranormal Practioners lamang ang pwedeng mag perform nito. Sa kadahilanang pag nagkamali ka lang ng Recite or Bigkas ay mag kakaroon ng Reversal Effect yung Vanishing at Release Prayer, baka imbis mapalayas ay makatawag ka pa ng Entity (Sorr Na almost my fault). So lets Finish this one !"POINT OF ENTRY" sabay sabay naming bigkas! Sumagot si BigBoss imposibleng basta na lang pumunta sa Rest House ang Maligno ng walang nakaakit or nakaimpluwensya dito, kadalasang namamahay ang mga Maligno sa ilang (Wild) na lugar. Dagdag pa ni BigBoss na, According to the Book of Demonology and Infernal Dictionary "Demons, do they not come in any certain place without Inviting them" Kaya mag ikot daw kami sa paligid ng Rest House baka may matuklasan kami, sama sama kaming nag ikot sa paligid (BigBoss,Kuya K,M Ate Ann,Jin) kasama ako dahil mejo mahina pa si Ate Ann kaya inalalayan ko pa sya. Pamunta na kami sa bandang likod ng Rest House ng tumambad samin ang Maligno, nasa likod ito at nakatayo malapit sa pader (may open space pa sa likod ng Rest House mga 5m pa ang lawak nito then pader na nakapalibot sa buong property) nanlilisik at nagngangalit ang mga mata nitong nakatingin samin. Nag usal sila BigBoss and Co. ng isang Vanishing Prayer at nag wisik ng Holy Water sa direksyon ng Maligno, napapaupo na ito hanggang sa naging itim na usok ito at naglaho, "Tapos Na" sambit nila, mejo nakangiti na sila BigBoss Kuya K, M at Ate Ann, pero si Ate Jin balik nanaman sa parang nanaEbs mode, namumutla ulit sya inisip ko baka epekto lang nang pagkakasakal ng Maligno sakanya. Napansin din pala iyon ni Ate Ann at sinabihan nya si Ate Jin na "Okei na Sis", pero sumagot ito na may Weird pa rin daw syang nararamdaman, inoobserbahan na rin pala sya ni BigBoss that time. Pag lalahad pa ni BigBoss para daw nyang nakikita si Ate Shai kay Ate Jin, kaya sabay sabay kaming napasabi ng "WHAT ??" at kinuwento ni BigBoss ang lahat.Nung mga baguhan pa daw silang mga Psychic nila Kuya I at Ate Shai sa dati nilang grupo, ay madalas nilang napapansin si Ate Shai na umaasta gaya ng kay Ate Jin ngayon, parang laging may napifeel itong di naman daw nila na sesense ni Kuya I, iniisip nila noon na baka nag iinarte lang ito, then natuklasan nila na nag sisimula na pa lang maDevelop yung isang Special Ability ni Ate Shai (Sana may madevelop din sakin Charr). Eto ay ang High Spiritual Sensory , nakakasagap sya ng mga Hidden Negative Energy na di basta na dedetect ng ordinaryong Psychic, kaya naman sabay sabay kami ulit nag sabi ng "Ahhhh" patawang wika ni BigBoss na Younger Version daw si Ate Jin ni Ate Shai. Kaya nilapitan nya si Ate Jin at inutusan itong gamitin ang Ability nito, pero tanong ni Ate Jin ay pano? Sabi ni BigBoss na "mag ATTUNE ka ng Aura mo at iFocus ito kung san, then masasagap na ni Ate Jin kung nasan yung Negative Energy". Tumayo si Ate Jin pumikit ito at sabay yumuko, mukhang nasa Meditative State na sya, pinagmamasdan lang namin sya ng bigla itong NAG LAKAD NG SOBRANG BILIS, yung tipong nag away kayo ng Jowa mo at nag walkout ka. Ang weird lang is NAKAYUKO at NAKAPIKIT pa rin sya, nag alala kami baka mabangga ito dahil di ito nakatingin sa nilalakaran nya, mas Nagimbal kami ng bigla itong huminto dun mismo kung san nakatayo yung Maligno kanina. Biglang dumilat si Ate Jin kaya nilapitan namin sya, tinanong sya ni Ate Ann kung alam ba nya yung ginawa nya? nag tanong din si Ate Jin kung bakit? ng mapansin nya na naglakad pala sya ng di nya namamalayan, sabi nya para daw may humihila sakanya at dinala sya kung san sya nakatayo ngayon. Dagdag pa nya na dun mismo sa kinatatayuan nya ng gagaling yung Negative Vibe na sya lang ang nakakasense, tinitigan nako ni BigBoss kaya sumagot ako na "Gets ko na", nag palingon lingon ako sa paligid ng makakita ako ng sanga ng puno. Matulis ang dulo nito saktong panghukay, mga halos isang dangkal pa lang ang lalim ng hinuhukay ko ng may tamaan akong matigas na bagay. Wooden Stick kinuha ko ito at inabot kay BigBoss, umiling sya at sinabihan ako na maghukay pako (ano ko supoltorero) nagpatuloy ako sa paghuhukay ng may nakita naman akong Papel na nakarolyo, isa itong Kalatas (Scroll) kinuha ko at binulatlat ito, mga ilang Words pa lang ang nababasa ko, alam kong di ito latin pero di ko maintindihan ang mga nakasulat, ng biglang agawin sakin ni Ate Jin ito. Binigay nya ito kay BigBoss at binasa rin, napasign of the cross si BigBoss at nasabing "Diyos ko isa itong Curse Chant sa isang Witchcraft Ritual" kung marami marami daw akong nabasa nito ay baka kung anong nangyari sakin. Kaya naman nanginig yung buong laman ko, nagpatuloy pako at nakakuha ulit ako ng Wooden Statue (Anito), mga ibat ibang klase ng Charms at Ank or kilala din sa tawag na Egyptian Cross, mukhang wala na kaya tumigil nako sa pag huhukay, inilapag lahat ni BigBoss ang mga nakuha ko at sinabing "MYSTERY SOLVE" eto ang Point of Entry ng Maligno. Ang mga gamit na nakikita namin ay gamit sa isang Witchcraft Ritual.Pagpapatuloy ni BigBoss di nya alam kung anong purpose nung nag sagawa ng Ceremonial Rights dun, maaring out of curiosity or may iba pang motibo, isa lang ang malinaw nakuha na ng nag perform ng Witchcraft ang gusto nya. Maaring may alam din ang gumawa noon dahil ang mga gamit na ginamit para sa isang Unholy Ritual ay maituturing na Curse Items. Dahil mag Eemitt na ito ng Negative Energy, na maaring makaattract ng mga nilalang galing sa Kadiliman, ang problema lang ay di ito nabaon ng tama nung gumamit, kaya dahan dahang sumingaw yung Negative Energy nito at nakatawag dun sa Malignong nakasagupa namin sa Rest House. Perfect Venue talaga ang likod ng Rest House dahil isolated at tago ito, maaari mong masagawa ang kahit anong Ritual na gusto ng walang makakapansin sayo. Dahil bibihira ding may tao dito, matapos ang explanation ni BigBoss ay inutusan nya ko mag hanap ng Puting Tela, ibabalot namin yung Curse Items para di na makalabas yung Negative Energy at di na makaakit uli ng mga Demonic Entity. Pumasok ako sa loob ng Rest House para mag hanap ng puting tela, ng makakita ako ay bumalik ulit ako sa likod, binalot na ito ni BigBoss at inutusan akong muling mag hukay this time siguraduhin ko daw na malalim ang pagbabaunan ko nito. Para wala ng ibang makakuha kaya tinawag ko na si Pareng Xel at binaon na namin yung Curse items, muli kaming bumalik sa loob ng Rest House dahil may tatapusin pa daw sila BigBoss. Inutusan nya kaming lahat (Psychic at Ako) nabuksan lahat ng possible area na pwedeng pag labasan ng hangin (like window etc.) Dun muli nyang sinindihan ang censer at nag pausok sa buong lugar, nag simula kami sa buong 2nd floor (yung 4 rooms) at muling bumaba sa bulwagan. Nag usal sila ng Dasal, isa itong Release Prayer para tuluyan ng maialis yung natitira pang Negative Energy sa bahay. Biglang may hangin na umihip sa loob, kasama nitong dinala ang usok na galing sa censer, this time di na nakapangingilabot sa pakiramdam, magaan ito at presko, wala na ang bigat sa pakiramdam sa buong bahay, tanda ito ng isang Absolute Release sa buong kabahayan. Kaya naman sinabi ni BigBoss na "Job Well Done !" Finally tapos na.Nakatambay kami sa loob ng Rest House at pinag uusapan ang mga nangyari, lahat kami ay masaya except kay Ate Jin balisa pa rin, kaya tinanong sya ni Ate Ann kung bakit ? dito ay nag open si Ate Jin about sa memories nya nung High School pa lang sya. Nag aaral daw sya sa isang Exclusive School para lang sa mga Girls, busy daw noon at may okasyon, kaya di na napapansin ng mga teachers noon ang mga istudyante, nag ka ayaan daw ang mga classmate nya noon dun sa lumang building sa loob ng school. Abandoned na daw yun dahil may kalumaan at delikado na rin baka mabuwal, ayaw nyang sumama noon pero pinilit sya ng mga classmates nya. Nung nandun na sila ay biglang may nilabas yung isa nyang classmate, mga Witchcraft Items pala yun, kaya sinubukan nyang pigilan ang mga ito, pero pinalayo lang sya at tinuloy ang kanilang gagawin, sinabihan pa sya na KJ daw sya at out of curiousity lang daw kaya nila itratry ito. Nung time na ding yun ay nag sisimula ng maDevelop yung Psychic Ability ni Ate Jin (Please naman Sana may maDevelop na rin saken), merong Booklet yung isa nyang classmate na naglalaman ng Curse Chant sa Witchcraft, habang binibigkas ng mga classmate nya yung Curse Chant ay parang daw mabibingi si Ate Jin. Masakit sa tenga at ulo nya ito, may napifeel din syang Negative Energy na parang kinukutkot yung Aura nya, same as yung na feel nya kanina habang nag iikot kami sa Rest House, habang nag kwekwento si Ate Jin ay ramdam at bakas sa mukha nya yung takot. Bigla namang sumabat si BigBoss at sinabing "dahil nasa Developing Stage si Ate Jin ng kanyang Psychic Ability noon (Pag wala pa talagang maDevelop sakin nito ewan na lang), sobrang Sensitive nito, plus na Expose pa sya sa ganung Unholy Activity, malamang na may Trauma na sya dito at tanda pa ng katawan nya yung ganung Vibe, kaya naman ganun na lang ang reaction ng katawan nya habang nag iikot kami kanina sa Rest House. Matapos ang aming maikling usapan ay pinatulog na kami ni BigBoss, 12am na pala, kaya nag kanya kanya na kaming pili ng kwarto, syempre pinili ko yung room kung san tinamaan ako ng pinto habang nakatuwad at nasubsob ako, memorable eh ramdam ko na ang pagod kaya di nako aware sa paligid, nakahawak nako sa doorknob at bubukasan na ang pinto ng may humawak sa balikat ko. Si Kuya K pala, nakangiti nato at mukhang di na galit sakin, kaya sabay na kaming pumasok sa kwarto.Dun sya pumwesto sa kama malapit sa pinto at dun naman ako sa kabila, (bali may 2 kama sa kada room) dito ay inamin nya sakin ang dahilan bakit galit na galit sya kanina sa ginawa kong pagbibiro. And i really got the piece of his mind, wika ni Kuya K"alam mo Edi ? di ako nagalit sayo at pinagalitan ka dahil gusto, kailang ko itong gawin para malaman mo ang pag kakamali mo. Nakita mo naman siguro yung resulta? ikaw ang pinagbalingan ng Maligno, tandaan mo nandito ka dahil ako ang nagsama sayo, pano kung may mangyari sayong masama? At kailanganin ko ipagbigay alam sa pamilya mo sa probinsya (ako na lang sa QC that time, nasa province na pamilya ko). Maniniwala ba sila kung sasabihin kong binato ka ng Vase ng Maligno oh Demonyo ? paniniwalaan ba nila agad yun diba hindi ? Para nakitang nakababatang kapatid, kargo di konsensya na kita".Humingi ako ng tawad at tuluyan na kaming nag kaayos, nag paalam sya na bababa muna para mag CR, iniwan nya lang nakabukas ang pinto, habang ako lang mag isa ay lumuhod ako sa tabi ng kama, hinawakan ko ang Medallion of St. Micheal, pumikit at nag dasal mahina ko lang na iniusal ang St. Micheal Prayer in Latin ng biglang may sumabay sakin, si Kuya K after namin mag dasal ay sinabihan nya ko na palagi ko itong dasalin. Lalo sa mga pagkakataong nararamdaman kong may Evil Presence sa aking paligid, at tyak gagabayan nya ko (St. Micheal Archangel). Matapos ito ay natulog na kami, 6am non ng may biglang gumising saking kakaibang tunog, Hayp tong si Pareng Xel dun din pala natulog, at yung Hilik nya yung kakaibang tunog na narinig ko (sarap tadyakan), bumaba nako at nandun na ang mga Psychic at ibang Tech Squad. Nag aalmusal na sila paglapit ko ay inabutan ako ng Kape ni Kuya Ren at sinabing "Eto na yung promise kong Kape Edi" (Loko talaga to), nasa labas si BigBoss at may tinatawagan, maya maya ay pumasok na ito at sinabing tinawagan nya si Tita Ching (Client). Mamaya ay pupunta na ito sa Rest House.Pasado 9am ng dumating sila Tita Ching, at dala ata yung buong baranggay, sinalubong namin ito at tuwang tuwa sya saming nagawa. Ang Highlights talaga is marami syang dalang pag kain, kala ko nga noon Fiesta, natanong ko si Tita Ching kung para san yung mga dala nyang pag kain pati isang batalyong mga tao, ang sagot nya saken is mga kamag anak nya ito na gustong makita ang Rest House. Yung pag kain naman is Celebration daw na isasabay sa House Blessing, dahil pinayuhan sya ni BigBoss na ipablessing yung Rest House for added protection, ipinasok na nila yung mga pagkain sa loob, pansin namin yung ibang kalalakihan don ay nag aalangan pumasok, napansin ni Tita Ching na nakatingin kami sa mga nasabing kalalakihan. Kaya naman sinabi nya samin na kasi sila daw yung mga dating naging Caretaker nung Rest House, baka natrauma daw ang mga ito kaya nilapitan sila ni BigBoss at sinamahan sa loob, dito ay halos parepareho sila ng nabanggit magaan na daw ang pakiramdam sa loob ng Rest House, di gaya dati na pag pasok mo pa lang pakiramdam mo e may nakapatong sayo, pati yung hangin di na nakapangingilabot presko na ito, dumating sa si Father galing Quezon at ng matapos ang House Blessing syempre "LAFANG NA ITEY !". Habang kumakain ay nilapitan kami ni Tita Ching at sinabing, bilang tanda ng pasasalamat ay ililibre nya kami ng Round Trip sa halos buong ka Bicolan, syempre sinamantala na namin, after nang Quest ay tumagal pa kami ng 4days sa Rest House at namasyal, swimming syempre (this time di nag katotoo ang sinabi ni Kuya K na lalangoy kami sa dagat ng apoy) at kumain ng kilalang native food sa Bicolandia (Laing, Pili Nuts at syempre ang Bicol Express etc..) After ng matinding galaan sa Bicol ay nag paalam na kami kela Tita Ching at uuwi na sa Q.C, bago umalis ay sinabihan ni BigBoss si Tita Ching, na kung iiwan nila yung Rest House ay mas mabuting mag hire sila ng Security Guard, upang walang sinuman ang makapasok dito. Sumang ayon naman si Tita Ching dito at sinabihan si BigBoss na tatawag sya sa mama nito at sasabihing wag syang PAPALUIN, dahil matagal bago kami nakauwi, na sya namang dahilan para mag tawanan kaming lahat (nag Blush si Bakulaw) at umalis na kami. End of Case . . . .PS. Pasensya na mga kaSpookify kung napahaba, dahil nais ko na hindi lang maghatid ng nakakatakot na kwento, kundi makapagbigay din ng konting kaalaman na maaring magbigay sa inyo ng kasagutan if nararanasan nyo ang mga ganitong klaseng kaganapan. Once again Salamat sa pagbabasa, Keep Safe Everyone.Till next time !! (To my Next Stories).
Yours truly,Ediwow Caluag

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now