Never missed a phone text (Parts 1 & 2)

Start from the beginning
                                    


Part 2

Para akong nalasing bigla nung gabing yun. Lalaki ako pero aaminin kong umakyat na hanggang sa bungo ko ang kilabot.Nagkumahog ako sa pagcontact kay Maxine. Nakailang tawag at text din ako sakanya pero bandang huli nya pa sinagot. "Hm love? Anong oras palang ah. Napatawag ka?" Garalgal nyang boses sa kabilang linya, halatang kagigising nya lang."Nasan ka?" Yun lang ang tanging nasambit ko."Nasa bahay syempre. Bakit love? May problema ba? Love? Lo-" in-end call ko na dahil sapat na ang mga nalaman ko para maniwala. Lumakad akong dahan-dahan papuntang kwarto, habang kinakabahan kong kinapa ang switch.Binuksan ko yun pero sadyang malamlam ang ilaw, hindi ko rin alam kung nagkataon lang pero kumurap-kurap ang bumbilya, mukang mapupundi na.Wala na sa higaan ang babae. Wala doon ang babaeng inakala kong si Maxine. Napaisip tuloy ako kung panaginip lang yun. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag-aakalang parte lang yun ng panaginip naming mga lalake. Napabuntong hininga ako at napaface-palm, pero ilang segundo lang, nakatayo pa ako nun sa pinto ay lumitaw nanaman yung babae. Napasandal ako sa pinto dala ng pagkagulat. Hindi ko alam kung saang sulok sya nagmula pero bigla nalang syang lumitaw at lumakad sa tapat ko, sabay huminto sa gilid ng kama. Expression less, at hindi umiimik. Hanggang sa kumilos ito ng paupo, pumasok sya sa ilalim ng kama. Sumiksik sa madilim na parteng yun na parang batang nagtatago. Kahit kakaiba na ang takot sa dibdib ko ay nagawa ko pang lapitan ang higaan. Gamit ang flashlight ng aking cellphone ay inilawan ko ang ilalim. Sunod-sunod ang paghingal na pinakawalan ko habang iniilawan ang ilalim, pero wala. Wala na sya doon. Hanggang sa may kumalabog sa kusina. Patakbo akong lumabas para tunguhin yung pinagmumulan ng ingay, pero wala naman akong nakitang kung ano. Nagmadali akong lumabas ng bahay, nasa kalapit lamang kase noon ang may-ari ng aking inuupahan. Madaling araw pa yun at kasarapan nila ng pagtulog, pero binulabog ko yun para humanap ng kasagutan. Sa ilang tawag at katok ay pinagbuksan ako ni tiya Wilma(di nya tunay na ngalan). Sya ang may-ari.Humingi ako ng pasensya kasabay ng pagkwento ng kung anong nangyare. Bakas sa mukha ni tiya Wilma na parang may bumabagabag sakanya. Pinilit ko syang sabihin sa akin kung may alam sya ukol sa bagay na yun. Pero ang tanging sinabi nya lang sa akin ay talagang may nagpaparamdam doon. Marami na umanong umupa pero di rin nagtagal dahil sa mga samu't-saring reklamo na may mga nilalang na nanggagambala. Nakaramdam ako ng inis dahil alam naman pala ni tiya na may hindi magandang nangyayare sa bahay na yun, pero nagawa nya pang paupahan. Pero napawi naman agad yun nang sabihin nyang kailangan nya lang talaga ng pera. Humingi sya ng tawad sa akin at nangakong ibabalik ang ibinayad ko, makakaalis naman daw ako kung yun ang aking pasya. Doon narin muna ako pinatulog ni tiya sakanila hanggang mag-umaga.At dahil kailangan kong magtipid dahil graduating na ako, pinagtyagaan ko ang bahay na yun. Hindi ako umalis. Isa pa ay nangako rin naman si tiya Wilma na ipapa-bless nya ang bahay.Kinabukasan, araw ng Sabado. Nagising ako around 7am. Chineck ko ang aking phone, nagtext na pala ang gf ko na papunta sya, 30 mins ago na. Dali-dali akong nagreply na wag syang tumuloy, dahil ako nalang kako ang pupunta sakanila. Pero ang pagkakataon ay mapaglaro, hindi si Maxine nagreply. Tinawagan ko sya pero cannot be reach, hindi sya online sa messenger at hindi ko rin macontact ang family nya. Nagpaalam ako agad kay tiya Wilma na aalis dahil nga doon ako natulog sakanila. Sa daan palang ay nakaramdam na ako ng kaba. Hanggang makareceive ako ng text mula sa mama ng gf ko."Si Maxine naaksidente. Dito kami sa ****** hospital". Sinalubong ko sya ng yakap pagdating ko dun. Laking pasasalamat ko nalang noon dahil hindi ganun ka-grabe ang nangyare sa gf ko. Nagtamo sya ng mga gasgas. "Love. Otw na ako papunta sa'yo, pero habang nagdadrive ako ng motor, may biglang tumawid na babae" takot na takot nyang kwento. "Kaya ko naman magpreno kaagad e, pero di ko nagawa" dagdag pa nya"Yung babae love. Kamukang kamuka ko sya! At sure akong ako yung babaeng yun. Kaya ako nawalan ng balanse dahil sa takot. Matapos nun ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare" napayakap ako sakanya dahil ramdam ko ang matinding takot ni Maxine. Natakot rin ako para sakanya.Kung alam nyo lang kung gaano na kagulo ang isip ko that time. Para na akong mababaliw. Ayaw ko na sanang sabihin kay Maxine ang nangyare kagabi dahil mahirap yun paniwalaan, baka yun pa ang maging mitsa ng paghihiwalay namin o baka lalo lang syang matakot. Pero mas natatakot ako sa maaaring pahiwatig nun, gaya ngayon na biglaan syang naaksidente kahit sanay na sanay na sya magmotor. I don't care kung coincidence lang 'to, pero natatakot ako para sa gf ko. Ikinuwento ko sakanyang mabuti ang nangyare sa akin kagabi. At first nagalit pa sya sa akin but I swear to her that I wouldn't make such stories na gaya nun. After that incident, hindi na nasundan ang kakaibang encounter, not until makalipas ang halos isang buwan. Magkasama kami ni Maxine, doon parin sa inuupahan ko. Medyo nakalimutan ko na ang nangyareng kababalaghan noon dahil akala ko'y wala na yun.Tinulungan nya akong tapusin ang project ko, nasa sala kami that time. Nagpaalam ako sakanya na magpapalit lang ako ng tshirt sa kwarto dahil pawisan na ako nun. Pagbalik ko, wala dun si Maxine kaya tinawag ko ang pangalan nya. Pag-upo ko sa sofa, mangyareng katapat yun ng pinaka-maindoor. Nagulat ako kase nandun sya sa likod ng pinto. Nakabukas yun ng 45゜.Nakatayo sya dun at nakatalikod sa akin. "Anong ginagawa mo dyan love?" Bigla akong kinabahan na baka hindi nanaman si Maxine yun. Nakaharap sya sa pader, walang kibo at tuwid pa ang tindig. "L-love?" Nanginginig na tawag sakin ni Maxine. Nagulat ako dahil nanggaling sa likuran ko ang boses nya, kaya naman agad akong napalingon. Bakas sa mukha ni Maxine ang takot, nangangatal ang kanyang mga labi at nangingilid ang luha sakanyang mga mata. Dali-dali kong binalik ang tingin sa pinto, wala na roon ang inakala kong sya. Tumayo ako kaagad para harapin si Maxine, mukhang galing pala sya sa kusina. Kinilabutan ako pero napansin kong iba ang awra ni Maxine. Isinantabi ko muna ang takot na yun dahil nagtaka ako kung bakit biglang namumutla ang gf ko. "Ok kalang? Anong nangyare sayo love?" takot na takot parin si Maxine at halos manigas na ang katawan. "Kanina kapa ba dito?" tanong nya na nagpakunot ng noo ko."Hindi ikaw yung nasa kusina? Hindi ikaw yung pumasok sa banyo?" Parang wala sa sarili nyang tanong. Niyaya nya akong umalis agad ng bahay na yun. Hindi ko nakausap ng matino si Maxine noon. Kinabukasan nya pa naikwento sa akin ang nakita nya. Noong pumasok ako sa kwarto para magbihis, tumayo pala si Maxine para mag-cr. Paglabas nya, bumungad daw ako sakanya. Inakala nya pang maglalambing ako noon dahil sinundan ko pa sya sa cr. Patawa tawa nya pa akong kinausap pero wala daw akong kibo at pumasok lang ako sa cr. Matapos makapasok ay humarap ako sakanya at dahan-dahang isinara ang pinto nang walang kakurap-kurap. Nakasimangot syang lumakad pabalik sa sala, dahil nga sa inasal kong yun, pero laking gulat nya nang makita nya akong nakaupo doon sa may sofa.Matapos ang mga kababalaghang yun ay humanap ako ng ibang mauupahan. Until now, hindi ko parin maexplain ng maayos sa iba o kahit sa sarili ko, kung bakit at paano nangyare ang mga ganung bagay. Is it really possible or sadyang pinaglaruan lang kami ng aming mga imahinasyon?[Story from Kenzo]

-Higurashi Kira

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now