Napasayaw naman ng 'locking steps' si Namjoon sa sobrang saya at kilig. Mukha tuloy siyang tuod. Napatigil naman siya nang biglang sumulpot si Jimin at Jungkook mula sa likod niya. Inakbayan siya ni Jimin, nginitian at tinanguhan naman siya ni Jungkook.

"Umaano kayo rito?"

"Wala. 'Di mo ba alam? Si Hoseok hyung kasi mag-i-i-stroll sila ni Irene gamit 'yung motor niya. Magjo-joyride raw sila. Dumadamoves si baba hyung!"

"Ha?" takang tanong ni Namjoon saka napasulyap kay Jungkook na mukhang apektado sa narinig dahil nakayuko ito at hindi mapakali sa kinatatayuan. Ang tagal narin pala nung huling ginamit ni Hoseok 'yung motor niya. Nung mga times na sila pa ni Angelique, nag-jo-joyride rin sila gamit 'yung motor. Tapos tumigil lang si Hoseok nung nag-break na sila. Tsk. Iba na talaga 'yung kabayo namin. "Nasa'n na ba sila?" dagdag pa ni Namjoon.

"Sa gate, hyung! Hinihintay nalang ni baba hyung si Irene pagkatapos ng last subject nito. Nandu'n na rin si Taehyung," saad ni Jimin.

"Tara, hyung. Puntahan natin sila," nakangiting giya ni Jungkook saka na naunang maglakad.

Nangiti nalang si Namjoon saka iniling ang ulo. Bumaling siya kay Miju saka tinawag ito at nag-flying-kiss. Seen-zoned lang siya kaya umalis na siya at sumunod kila Jungkook at Jimin.

*•*•*

"Oy, yokababz, sure ka ba talagang marunong kang mag-motor? Baka naman ma-aksidente tayo niyan?" nakataas ang kilay at nakapameywang na paninigurado ni Irene. "Sayo nalang ako umangkas tutal kabayo ka naman."

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" tanong naman ni Hoseok saka nakakagagong ngumiti. Nakaupo lang siya sa motor habang hawak-hawak ang dalawang helmet. "Professional ako pagdating sa motor."

"Talaga? Professional? Spell mo nga," nakataas ang noo na sabi ni Irene.

"Joke. Ano ba? Basta marunong ako mag-motor, 'yun na 'yon."

"Hyung, hyung, hyung, balik kayo agad ah! Ako sunod gagamit ng motor," halos pasigaw na pagpupumilit ni Taehyung saka inalug-alog si Hoseok.

"Hindi pwede, Taehyung. Pagkatapos naming mag-stroll, ihahatid ko na si Irene sa apartment niya."

"NICE! D-um-a-damubs ka talaga kay Irene, hyung, ah!" singit ni Jimin saka tinusuk-tusok ang tiyan ni Hoseok.

"Pakyu."

"Eh ngayon mo lang kasi nilabas 'yung motor mo eh! Sayang naman, ilang taon na rin akong hindi nakakapag-motor! Pag si Irene talaga, lahat gagawin," malungkot na saad ni Taehyung. "Hindi ka naman dating gan'yan. Dati ako 'yung inuuna mo, ngayon hindi na!" pagmamaktol niya.

"Kingina mo walang tayo. 'Di kita mahal!" pabirong sigaw ni Hoseok kaya nagtawanan nalang sila.

"Ya, Hoseok, ingatan mo si idol master cute ha? Ayusin mo pag-da-drive. 'Wag mo masyadong bilisan," parang isang tatay na utos ni Namjoon kay Hoseok.

"Oo nga. Masyadong maganda ang mukha ni Irene para masira. Okay lang kapag ikaw 'yung nasiraan ng mukha, Hoseok hyung. Pangit ka naman. Walang masasayang sayo," nakakagagong bawi ni Taehyung kaya nagtawanan sila maliban kay Hoseok.

"'Ba gago kang bata ka ah!" maangas na dinuru-duro ni Hoseok si Taehyung.

"Oh, Jungkook-ah, ba't nanahimik ka?" tanong ni Jimin saka inakbayan si Jungkook na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nanahimik rin ang magkakaibigan saka napatingin kay Jungkook.

"O'nga. Baka naman si Joy 'yan. Nag-away ba kayo? Pansin ko kasi hindi kayo nagpapansinan eh," wika ni Hoseok. Sumang-ayon naman ang iba.

Wala pa kasi silang alam tungkol sa paghihiwalay ng dalawa. Hindi pa kasi makahanap ng tiyempo si Jungkook para sabihin sa kanila ang totoo. Ang alam nila ay sila parin ni Joy.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon