"K fine!" sigaw nalang ni Irene habang naglalakad palayo. "Ako pa lolokohin ng utak monggo na 'yun e halata namang may masamang binabalak."

"Irene, I love you!" sigaw ni Taehyung sa kanyang malalim na boses kaya napatigil sa paglalakad si Irene saka nanlaki ang mga mata. Agad siyang napalingon sa likod at nakitang patakbong lumalapit si Taehyung sa kanya habang nakangiti. Everyone was looking at them. Agaw-pansin kasi ang ginawa ni Taehyung. Lalo na't medyo kilala pa ang binata sa SOPA.

"I love you, Irene. Mahal kita," pag-uulit pa ni Taehyung habang nakangiti parin nang nakalapit na siya kay Irene. Napalunok naman ang dalaga bago nakapagsalita.

"Ha?"

"Sabi ko, 'I love you, Irene. Mahal kita'," pag-uulit ni Taehyung.

"You love me? Mahal mo 'ko?" naguguluhang tanong ni Irene.

OMFG! Putangina! Ang haba ng hair ko!

Sabi na e.

Nararamdaman ko talaga na may gusto sa'kin 'tong si Taehyung e.

Bakit ba hindi nalang kami?

TaeRene na this!

Pag ito maging jowa ko, siguradong magtatagal kami because TaeRene walang titibag forever and ever.

"Taerene na ba 'to?!" napapaypay si Irene sa sarili at parang nahihirapan pang huminga. "Oo, Taehyung! Sinasagot na agad kita!"

"Hunghang! Hindi!" sabay pitik ni Taehyung sa noo ni Irene kaya napataas ang isang kilay ng dalaga. "Anong 'sinasagot' ka d'yan? Hindi naman kita nililigawan ah? TaeRene, ampota. Ibig kong sabihin, "I love you" o "Mahal kita" 'yung ibig sabihin ng "Saranghaeyo" na tinanong mo kanina. Pilingera amp. D'yan ka na nga." then he walked out.

"Problema ng taong 'yon?" napapakamot sa ilong na bulong sa sarili ni Irene habang tinitignan si Taehyung na naglalakad palayo. "Paasa ka! Pwede mo namang sabihin na 'yun pala 'yung ibig mong sabihin! Magsama kayo ni Jungkook, mga paasa!" pahabol ng dalaga.

Naalala niya tuloy bigla ang binulong sa kanya ni Jungkook.

Teka, ibig sabihin ng "Saranghaeyo" ay "I love you"?

Ibig sabihin--Putang ina!

Napapaypay ulit sa sarili si Irene.

Papaasahin nanaman ba ako ng ilong ni Jungkook?

I can't fcking breathe! Kailangan kong makausap si Jungkook!

*•*•*

"Miju, pahingi naman ng papel," sambit ni Namjoon kaya napataas ang tingin ni Miju saka siya binigyan ng papel. "Papel sa buhay mo. Pahingi naman ng papel sa buhay mo."

"Namjoon, pwede ba? May ginagawa ako. Mamaya mo nalang ako istorbohin," mahinhin na sabi ni Miju habang nakatuon parin ang pansin sa ginagawang essay.

Naabutan kasi ni Namjoon na mag-isa lang sa isang table si Miju sa canteen. Katatapos lang nila ni Hoseok mag-research sa library. Naghiwalay naman sila agad ni Hoseok dahil sabi nito ay hahanapin muna niya si Irene. Mabuti nalang ay nakita niya agad si Miju super idol master Lord niya. May kalandian na rin siya finally.

"Super idol master Lord, sabi nila kapag dinilaan mo raw 'yung pagkain mo, wala nang aagaw nu'n sayo. Eh kung dilaan din kaya kita para wala nang mang-agaw sayo?" nakangiting isinatinig ni Namjoon ang pick-up line na kanina pa niya pinag-isipan nung nasa library palang sila ni Hoseok. Napatingin lang sa kanya si Miju saka ngumiti at muling binalik ang tingin sa ginagawa.

Jungkook is Mine [completed]Where stories live. Discover now