HE'S INTO HER Season 1 |PUBLISHED| Now Available in Bookstores ♥

100 Part Story 10.7M Reads 88.2K Votes
maxinejiji By maxinejiji Completed
Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang gamit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-an. Para sa kaniya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin.
	Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.
	Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.
Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? 
Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.
Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.
Balik ulit sa season 1 after season 2..basa ulit kasi 22o ang sabi ni author..NAKAKAADIK!!!hahah..ayoko muna basahin ang season 3 kasi d pa tapos at gs2 ko muna ma.digest lahat ang nangyari sa HIH..super duper super ganda ng story.. ^_^  #twicereading #nofeelingofregrets
HUHUHUHU !!!! T^T Ang saya saya na nakakabaliw na nakakaiyak ung story kahit kanina ko lang natapos basahin T^T SANA AKO NA LANG PEIN XD MHEHEHEHEHE
I LOVE YOU MAXWELL !!!!!!!!! ALABYU !!!!!! SANA SA SEASON 2 WALANG AAGAW KAY MAXWELL SAKIN !!!!!!! WAHAHAHA. WISHING NA SINGGOL PA RIN ANG LOKONG DOKTOR T///T !!
FOTANG INA, 1 DAY KO TONG BINASA ! WALA NA NGA AKONG TULOG. SOS MARYOSEP ! TOTOO ANG WARNING ! T///T HASHTAG:NAKAKADIK ! Tang ina, napapamura ako sa story. T//T Ang galing mo othor.
nbura na po ba ito ? diku na mbasa eh . nsa 92 pa nmn naku -_-
The best wattpad story ever!!!! Two thumbs up sa author!!!! Hats off!!!