CHAPTER 71

3M 81.7K 101K
                                    

MAX'S POV

Afternoon break.

"Naih, pupunta ako sa mga freshmen." bulong ko sa kanya nung bahagyang makalayo na sila Migz.

"Sige sasamahan kita."

"Mmm."

"Migz, mauna na kayo susunod kami. "

"Sige lang te! Hintayin namin kayo don." sabi ni Migz na sumenyas pa.

"Sige sige." sabay naming sabi.

"Tara?" sabi ni Naih. Tinanguan ko naman siya at naglakad na kami, sa kabilang hagdanan kami dumaan. Wala ng gaanong tao na dumadaan doon. Kaya umakyat kami, nasa fourth floor sila.

Maingay pa sa floor na yun kaya malalaman mong marami pang tao.

'Tss, kahit na sinong estudyante ang ma-assign sa floor na 'to tatamaring umakyat baba dahil nakakapagod.'

"Saan kaya sila dito? Alam mo kung anong room?" tanong ni Naih.

"Hindi."

"What? Don't tell me, iisa-isahin pa natin ang mga room na yan?" turo niya nung huminto kami sa mismong dulo ng hallway.

"Hindi naman. Dadaanan lang natin lahat, walang lingunan."

"Ano?" takang-tanong niya.

"Dadaan lang tayo hanggang sa makarating tayo sa kabilang dulo, hindi tayo lilingon hangga't walang sumisigaw ng 'idol' hehehe.." natatawang sabi ko.

"Abnoy ka talaga!"

Nginitian ko lang siya at nagsimula ng maglakad. Isang napakabagal na lakad.

Tulad ng sabi ko ay naglakad lang kami ni Naih nang hindi lumilingon sa bawat room na madaanan namin, nung makarating kami sa may bandang gitna.

"Idol!"

'I knew it.'

Lumingon kaming dalawa ni Naih at tumingin sa room nila Mac, nasa exit kami ng room nila. Hindi pa ako nakakapagreact ng biglang may tatlong students ang tumayo at mayabang na naglakad palabas sa kabilang pinto. Hindi naman ako nagpahalatang napansin ko sila. Tinignan ko si Mac at nginitian.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nung isa sa harap ko.

Tinignan ko sila mula ulo hanggang pa. Hindi sila naka-cap at complete uniform ang suot nila.

"Hoy! Ano sabing ginagawa nyo dito?" pasigaw na tanong ulit nung nasa harap ko.

Inilabas ko ang picture at kunwaring pinagdikit ang mga mukha nila.

'Mmm. Siya nga 'to."

Inilabas ko ang isa pa at tinignan naman yung isa. Kumpirmadong silang dalawa nga yun, malamang ay yung isa ay yung kasama rin nila nung araw na yun.

"Ano bang ginagawa mo? Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito?" sigaw nya habang naglalakad papalapit na sa akin. Mayabang ang lakad niya, e mas matangkad naman ako sa kanilang tatlo.

"Nagmumuni-muni lang." sabi ko na ikinagalit niya kaya naman mas galit syang sumugod sa akin.

"Ugh!----"

Hinawakan ko siya sa leeg at malakas na itinulak sa pader.

"Hindi ko inaasahang babatiin mo ako sa ganitong paraan." nakangising sabi ko sa kanya.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon