CHAPTER 63

3.6M 87.6K 107K
                                    

DEIB'S POV

Lumipas ang ang oras, 20 minutes na lang ay uuwi na kami.

Walang Taguro'ng dumating.

'Hindi naman sa hinihintay ko siya, hindi ko siya hinihintay! Bakit ko siya hihintayin? Sadyang inaalam ko lang kung tama ba yung sinabi ni Kim o hindi.'

But since hindi siya dumating.

'She's right! She really doesn't give a damn!'

The hell I care! Hindi ko naman siya kawalan! And besides, wala naman talaga siyang kwenta simula umpisa pa lang hindi ba? Bakit nya nga ba ako pag-aaksayan ng oras na bisitahin pa e kaya nga pala hindi siya nakakauwi nang maaga dahil ako mismo ang nagsali sa kanya sa bilyar!

'Tch! Buti nga sa iyo!'

"Dre!"

"O-Oh?"

"Anak ng, kanina ka pa namin tinatawag!" si Tob.

"Huh?"

"Anong huh? Kanina ka pa namin tinatawag!"

"A-Ano ba yun?"

"Kape mo!"

"T-Thank you."

Nagbukas ang pinto, pumasok si Dein.

"Here, drink your meds then we'll go."

"S-Sige."

Maya maya pa ay may pumasok na Nurse na lalaki, pinaupo ako sa wheel chair at siya na ang nagtulak. Nakasalubong ko pa ang Doktor na umasikaso sa akin sa harap ng elevator.

"You're going home Mr. Enrile?" nakangiting tanong ng Doktor.

"Yes Doc." nakangiting sagot ko.

"Mmm. Wag ka ng babalik dito ha?"

"E-Excuse me?"

"Wag ka na kakong babalik dito." nakangiti pa ring sabi niya.

Inulit pa! Tibay!

"Aba'y lokong Doktor 'to----Hoy! Baka hindi mo alam na 'kami' ang may ari ng ospital na pinagtratrabahuhan mo?" galit na sabi ko.

"Hahahaha!" isa pa. "Bwahah!"

Tumawa si Dein at yung Doktor na yun! Pati na rin 'tong Nurse.

"A-Anong nakakatawa?"

"Hahahahaha! E kasi ganon talaga ang sinasabi ng mga Doktor sa patients nila. Bakit? Gusto mo pa bang bumalik dito?"

"A-Ayaw ko na."

"Exactly, kaya sinasabi namin sa patients na wag ng babalik. Gets mo?"

"Whatever." parang napapahiyang sabi ko at hinila na ako nung Nurse papasok sa elevator nung bumukas.

Bago pa kami makarating sa Exit ay pumasok si Randall.

"Hon!" tawag agad ni Dein sa kanya.

'Pa-cute na naman amp!'

"Hon." si Randall. "Sorry ngayon lang ako nakarating. How's you bro?" baling niya sa akin.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon