CHAPTER 27

3.7M 86.9K 71.9K
                                    

MAX'S POV

Umaga ng Sunday nang magising ako sa amoy ng niluluto ni Naih kaya naman kumalam ang tyan ko. Dali daling naligo at bumaba.

"Oh? Ang aga mo naman yata, young master?" biro niya, itinatawag sa 'kin 'yong naririnig niya doon sa panghapong palabas na pinanonood niya.

"Naamoy ko yung niluluto mo e."

"Yes! Itlog at tuyoooo!" nakangiting sabi nya.

"Nagsangag ka?"

"Oo naman! Upo ka na muna dyan, matatapos na ako dito."

"Timpla muna akong kape. May kape ka na?"

"Wala pa. Pakitimpla rin ako please? Pakiready na rin ng suka at sili."

Hindi ko na sya kinibo. Mayamaya pa ay kumakain na kami.

"Grabe halatang pagod na pagod ka kagabi." sabi nya sakin.

"Hataw e." natatawang sabi ko.

"Hahaha, oo nga! Nako! Paano na lang kaya ang magiging approach sayo ng mga mean girls bukas? Psh! For sure madami ng pupuri sayo dahil anggaling mong sumayaw!"

"Ewan ko. Sana nga."

"Bakit naman sana?"

"Alam mo naman yung nangyari samin ni Deib kagabi. For sure magwewelga yung fans club ng love team nila ni Kim, hahaha!"

"Psh! Eengot-engot kasi e. Ano ba talagang unang nangyari? Kasi nagulat na lang kami ni Migz nagsisigawan na kayong dalawa at napapalibutan ng mga students. Hahaha!"

"Hindi nyo ba nakita?"

"Ang nakita lang namin kasi ay yung sumasayaw sila ni Kim—hahahaha! Lintek ang tawa ko dun! Sobra! Biruin mo love song—nauwi sa rock? Bwahahahaha! Nakakatawa lang! Lalo na nung tumugtog na yung Sweet Child! Bwahahahaha, laughtrip yung itsura ni Deib! Sobra!"

Natawa rin ako dahil sobra ang pagtawa nya. Nakakatawa naman talaga, kahit ako ay hindi napigilang alalahanin ang nangyari. Lalo na ang hindi maipintang mukha ni Sensui.

"Imagine? Ang ganda at ang gwapo nilang tignan don sa gitna? Psh! Lahat nga ng nasa paligid ko bulungan ng bulungan e, kesyo nakakainggit daw, ang ganda daw ni Kim at ang gwapo daw ni Deib. Tapos nung abutan ng rose ni Deib si Kim, pucha hiyawan talaga yung mga tao! Akala mo sila nakatanggap e!" 'ayun na 'yong mala-armalite na bibig ni Naih, nonstop ang salitang lumalabas ang mga salita sa bibig.

"Nagulat nga kami ni Migz e, kasi yung mga babae nagtitili! Pero mas lumakas talaga yung tawa ng biglang tumugtog yung Sweet Child na sobrang lakas! Hahaha! Hindi ko na napansin ang sunod na nangyari dahil tawang tawa na nga ako don sa nangyari, e mas tawang tawa pa ako nung makita ko yung ichura ni Sensui! Hahaha! Daig pa nagsuper saiyan e hahaha! Android ampucha! Hahahaha!" dagdag nya pa.

"Hehe," ang totoo ay gusto kong tumawa ng malakas pero baka masabugan ko ng rice si Naih.

"Pero Max," hindi ko inaasahang seseryoso siya. "Umamin ka nga. Wala ka ba talagang kinalaman don sa pagkakapalit nung kanta?"

"Wala nga! Isa ka pa e."

"Hahaha! Naniniguro lang! E pano kasi kahit ako sa sitwasyon ni Deib, ganon rin iisipin ko! Kasi nandon ka malapit sa sound system at nakaupo ka sa harap nung DJ! Hahaha! Ano ba kasing ginagawa mo don at don ka pa pumwest? Medyo madilim pa naman sa parteng yun!"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon