Chapter 82: Final Blow

12.9K 140 55
                                    

Hello Loves!

And we're down to the last chapter. Next time epilogue naaaa. :">

I know more than a month ang paghihintay niyo dito. Sana magustuhan niyo. Please leave comments. :))

Yung mga comments or questions na magugustuhan ko iaadd ko sa Authors note kasabay ng Epilogue

Also, kindly invite Fiona Sarmiento's FB account. Just click the open external link at the right side. Thankssss! :)

Godbless 

Much Love,

Raiiinn <3

________________________________________________________________________

Matagal din ako bago napatahan ang sarili ko. 

Tama naman yung ginawa ko diba?

Alam ko tama pero ang sakit sakit. Mahal na mahal ko si Warren pero kailangan ko siyang pakawalan. Bakit ganun? Ang hirap para sa amin ang sumaya.

Napangiti ako. A bitter smile. Andito ako ngayon sa isang bench sa may park. kung titignan mo ang lahat ng tao ngayon dito lahat sila masaya kasama ang mga mahal nila sa buhay karamihan pamilya ang kasama.

Bakit ko ipagdadamot kay Warren ang maramdaman ang isang bagay na ganun?

Buhay pa ang tatay niya at alam ko kung gaano kasakit mawalan ng magulang. Nawala na kasi sa akin ang nanay ko.

Kaya kung magiging daan ako para magkaayos sila at mahalin siya ng tatay niya bakit hindi diba?

Bakit ko naman ipagdadamot ang isang bagay na alam kong magiging dahilan upang maging masaya si Warren?

Ang mahirap lang kasi para sumaya siya eh kailangan ko siyang saktan.

Alam kong mahal na mahal niya ako. Mahal na mahal ko rin naman siya. 

Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya at makipagbalikan kaso pag ginawa ko yun kailanman hindi niya na mararamdaman ang mahalin ng kanyang ama.

Naniniwala akong seryoso ang tatay niya nun.

Kitang kita sa mga mata nito.

Napapikit ako.

"Warren, alam kong maiintindihan mo kung bakit ko to ginawa. Hindi ko lang alam kung ipagpapasalamat mo ba na ginawa ko yun"

_____________________________________________________________________________

Mabigat ang pakiramdam ko na bumangon ngayon. Its the 23rd of December. Bukas bisperas na. I stared blankly sa kawalan. Hanggang kelan ko kayang magpanggap na ayos lang sa akin ang nangyari.

Ginusto ko to. Kailangan ko panindigan.

Bukas na ang dating nila Papa, Sasha at Kuya Nico. At hindi magandang ganito ang ayos ko.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon