Chapter 27: Sorry

22.2K 145 51
                                    

Hindi ko alam kung pano nagsimula tong truth or dare na to basta napasubo na lang ako. Mukhang nagkakilala na sila nung nasa cr ako kasi nakapagaya na si Charles ng larong ito.Kung paano kami nagdinner? Ayun inuna muna habang pinaguusapan ang rules ng game.

Ang rules:

Magpapaikot ng bote tapos ang matapatan siya ang tatanungin nung nagspin kung truth or dare. Kung truth ang pinili miya syempre tatanungin siya ng isang matinding tanong at kung dare isang consequence ang gagawin. Ang magiisip kung ano ang itatanong at kung ano ang ipapadare ay ang nag-spin. Kung natapatan at dare na ang pinili dapat kung matatapatan ulit siya truth na ang ipapagawa sa kanya. By default na yun, pag napili ang isa yung isa na ang gagawin.

Pano napili yung magsspin?

Nag-maiba taya kami at si Charles ang iba kaya siya ang magii-spin.

"Okay, lets start this!" pinaikot ni Charles yung bote at tumapat ito kay Monica "hmm, hon looks like your the first victim. Truth or dare"

"bring it on!" napangiti si Monica "i'll choose dare"

"hmm..edi pengeng hug ng 5 minutes"

"Ano?!" mukhang nagulat talaga si Monica

"Wala namang limitation yun ah? tyaka boyfriend mo kaya ako." Charles grinned

"O siya sige. Sinuswerte ka lang" Monica huuged Charles.

Ang tagal din ng five minutes ha. Natutuwa ako dun sa dalawa kasi si Charles enjoy na enjoy tapos si Monica namumula sa hiya. Ang cute nilang tignan.

Monica spinned the bottle tapos tumuro ito kay Mel.

"Mel, truth or dare?"

"hmmm, Truth" mahina yung reply nun ni Mel

"Okay, ang tanong ko sayo ay.." nagpause pa si Monica para magisip "Sino sa mga nalink kay Patrick ang pinagselosan mo ng bongga?"

Wow. Sino nga kaya? eh napakababaero kaya niyan ni Patrick. Nako. Ang tagal magisip ni Mel kaso nashock ako sa ginawa niya. Tumingin siya sa akin, medyo matagal din yun tapos tumingin kay Patrick.

"Siguro kay..." iniwas niya yung tingin kay Patrick "kay Patricia"

Nagfollow up question pa si Monica "Sino naman yun?"

Nagsalita bigla si Patrick. "Hey, one truth means one question only."

"Ay sorry. Curious lang"

Mukhang aburido si Patrick nun siguro kasi nabanggit si Patrici so it means totoo nga yung mga sinabi ni Mel sa akin? Hindi nga siya si Patricia.

"Mel ikaw na magsspin nung bottle" Warren just break the weird aura.

"Tama Ikaw na Mel!" pati si Charles din nakisangayon na.

Nung pagka-spin ng bottle ni Melthen it pointed to Patrick.

"Patrick, truth or dare"

"Truth" tipid na sagot ni Patrick

"Okay. Hmm. Ano ang pinakaweird na ginawa mo kasama ang isang babae?"

"Tsk, Siguro hilain pabalik sa mall yung date ko na nakapaa tapos bilhan siya ng weird na tsinelas kasi nagkapaltos siya."

Muntikan na akong mahulog sa upuan ko. Musta naman yun diba? Eh ako ata kasama niya nung nangyari yun. Maliban na lang siguro kung paulit ulit niyang ginagawa yun kaso parang hindi eh, ilang oras ba naman niya akong pinagantay nun. Mukhang ako nga yung tinutukoy niya at yung weird na tsinelas ay yung sleeping slippers na blue na panda.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon