Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.

21.7K 150 66
                                    

May 24, Monday

This is the day na pupunta kami sa tagytay para sa sportscamp training namin together with St Benedict. Tatlong team na lang ang tutuloy yun ang basketball team nila Charles at Warren at yung volleyball team ko. Van na lang ang sasakyan namin. Di ako makakasabay kela kuya Nico kasi ioocupy na yun ng basketball team nila Charles. Yung para sa volleyball team naman eh isasama ni Coach yung grade school niyang anak kaya ako na lang ang nagpaubaya ng pwesto.

"Iha saan ka sasabay? kakandungin ko na lang ang anak ko" Nakabukas yung pinto sa front seat habang ako nasa labas nakatayo.

"Nako Coach kayo naman po mangangalay niyan eh mag rorounds po tayo ng takbo diba?"

"Eh paano ka?"

"Tinext ko na po yung kakilala ko sa ibang school kung pwede sumabay sa kanila"

"Safe ba dun? Sino yun? Babae ka pa naman"

Sasagutin ko na sana si Mam na okay lang at wag na siya magalala ng may nagsalita sa likod ko.

"Boyfriend niya po"

Napatingin ako kay Warren. Nakangiti siya sa akin ngayon.

"Talaga iha?" nakangiti din si COach. "Di ka nagkukwento ah?"

"Nako mam. Opo" nahihiya naman ako na umamin kay Coach.

"O sige. Iho?"

"Warren po"

"Warren ikaw na bahala kay Rachel ha."

"Yes Coach" Sumaludo pa si Warren.

"Rachel, magkita na lang tayo sa tagaytay okay?"

"Opo. Ingat po kayo"

Sinara na ni Coach yung pinto at umandar na ang van. Sumunod naman agad ang van nila kuya Nico.

Hinawakan ni Warren yung kamay ko at naglakad kami papunta ng van nila. Nung nasa may tapat na kami at bubuksan na ni Warren yung pinto bigla kong hinigit yung kamay niya.

"Wait"

Humarap siya sa akin "Bakit?"

"Nakakahiya kasi eh."

"bakit ka mahihiya?"

"Eh baka ako lang ang babae diyan"

"E ano?"

"Eh nakakailang?"

Natawa bigla si Warren.

"Ako nga dapat mailang"

"Bakit?"

"Eh baka titigan ka ng mga mokong na yun"

"Ano?"

"Eh ikaw lang babae eh. Ang lagay pa nun maganda ka pa"

"Ewan sayo"

Iniwasan ko na si Warren at papasok na sa loob ng van nung bigla yung nagbukas.

Naghiyawan yung mga team mates niya.

"Captain, yan na ba yung sinasabi mong wag kaming magkamaling titigan?" sabi nung matangakad na nasa driver's seat

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon