Chapter 15: Akin ka na lang ha?

25.1K 180 44
                                    

Hello guys :3

Sorry late update. hahaha.

Bago ang lahat sasagutin ko lang yung questions nung iba.

Point of view lang to ni RACHEL. :D yep :'> Kanya lang.

Gusto ko kasi lahat tayo mahihiwagaan sa mga inaasta nung mga bidang boys pero may mga times malay niyo na mag POV din sila. Tinatry ko naman yung story na malalaman natin yung thoughts nila eh. :D Mas nakakakilig siguro yung ganun, Mailalagay nating mga girls yung pwesto ni Rachel sa atin. Oh diba? Ano masasabi niyo?

Sa maka-team patrick dyan or team warren, I am trying na hindi maging predictable yung story kaya wag kayong magsawang magcomment for ideas. 

Tanong: Ano so far ang pinaka-nakakakilig na part ng Fate of Love? Sagot naman kayo through comment.

May questions pa ba?

May violent reactions? or suggestions?

Pahabol lang po :

Gusto ko sanang magpasalamat kay Crissie :) Para sa shinare niya sa akin na drawing ni warren at Rachel. :)) Ayun sa gilid. Cute no??

Feel free rin pala sa ganyang mga bagay.

Nakakapag-smile ng puso yun eh <3333333333

Happy Reading! <3

____________________________________________________________________________

Sumakay na kami sa motor ni Patrick. Masyado akong napagod ngayong araw pero hindi pa pala tapos. Magkikita na kami ni Warren. Sa totoo lang kagabi ko pa siya gustong makita. Ayos na naman siguro kami kay Patrick dba? Wala nang hadlang. Pwede na kaming maging magkaibigan tapos maging present na yung pagiging future ko.

Napangiti ako.

Pero sabi ni Patrick ayaw daw niya sakin. Pano yun? Eh kung nagkatuluyan kami ni Warren? Napaka-illusyonada ko. Gabi na eh. Pinikit ko yung mga mata ko habang naka-yakap pa rin sa waist ni Patrick yung dalawa kong kamay. Sumandal ako sa kanya.

Ganun ba talaga siya? Playboy, Gangster o coldhearted monster? Eh bakit ang bait niya para ihatid ako kay Warren?

"Salamat Patrick"  yan nalang nasabi ko naramdaman kong nakatulog na ako.

_______________________________________________________________________

After how many minutes huminto ung motor ni Patrick sa isang Public Basketball court. Naglakad siya papunta sa may gate. Sinundan ko siya. Nakatingin siya ngayon dun sa binatang may hawak ng bola at parang magshoshoot sa 3point range.

"Hindi yan papasok."sabi ni Pat ng biglang shinoot na nung lalaki yung bola.

Hindi nga pumasok.

"Pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Look at him. Halatang kanina pa siya diyan. Pero sure akong wala siyang matinong shoot. He's my bestfriend kaya alam ko." Sumandal siya sa may gate nung court at humarap sa akin.

Si warren? Si warren yung lalaki? Iniwas ko yung mata ko sa kanya baka bigla niya akong makita dito. Pero diba gusto ko siyang makita? Eh bakit ganito inaasta ko?

Nakatungo ako habang tinatanong siya. "Why?... Bakit siya naginom kagabi? Whats wrong?"

"Ikaw. Ikaw ang dahilan"

Napatingin ako sa kanya at bumilis yung tibok ng puso ko. Walang expression yung tingin sa akin ni Patrick ngayon. Basta nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon