Chapter 78: Let's Start Again

13.3K 102 25
                                    

Hello Loves!

Short update lang :"> 

Next update would be on Wednesday or Thursday! :)

5 chapters to go! :D Ending naaaaaa! :">

Happy Reading!

Much Love,

Raiiinn <3

 _______________________________________________________________________

After nung mini surprise ko kay Warren eh naggather kami sa rooftop. Ako, si Warren, Maxene, at Joysee. Si Lyka naman at yung lalaking nakaduet niya eh naguusap dun sa may gilid.

"Joysee, Okay lang ba si Lyka?"

"Hindi ko nga alam eh. Mukhang nagulat siya dun sa lalaki."

"Hindi mo kilala?"

"Hindi eh pero sa tingin ko pumoporma yun kay Lyka. Halata naman"

"He's into her." sagot naman ni Maxene.

"Talaga?" tinignan ko si Lyka at mukhang di siya masaya na nakita niya yung lalaki. "Ikaw Warren ano sa tingin mo?"

"Let them be" sagot niya habang tinititigan yung cake na dala ko.

"Ang suplado. Birthday na birthday"

Lumingon ulit ako kela Lyka and this time papunta na siya sa amin tas yung lalaki naman eh dala na yung gitara niya at papaalis.

Nung nakaupo na siya eh tinanong ko agad siya.

"Sino yun ha? Ang gwapo ah. Bagay kayo!" 

Ngumiti lang sa akin si Lyka "Si Russel. Kabanda ko yun"

Awkward ata kasi ang tipid ng sagot niya.

"Lyka, salamat nga pala dun sa kanta at sa tingin ko maganda yung collaboration niyo ng kasama mo. Hindi mo makakanta yun ng ganun kaganda kung hindi ka nagmahal ng ganun" Seryosong sabi ni Warren kay Lyka na kinagulat naman ni Lyka.

"Tama si Warren. You two make a cute pair" Dagdag pa ni Maxene.

"Tama na nga yan. Kumain na lang tayo, nahihiya na sa inyo si Lyka eh" sabat ni Joysee.

Biglang tumayo si Lyka.

"Mauna na ako. May aasikasuhin pa ako"

Hindi na siya naghintay pa at umalis na bigla.

Nung tinignan ko si Warren eh nakangiti na siya.

"Anong nangyari?"

"Wala" sumubo siya ng cake tapos tumayo "Tara na nga." Hinila niya ako patayo.

"Teka saan tayo pupunta?"

Hindi niya ako sinagot at humarap siya kay Maxene at kay Joysee.

"Salamat talaga. Kahit na sinakyan niyo ang kalokohan ni Ray."

"Kalokohan?" apila ko pero hindi na ako nakasagot kasi hinihila na niya ako.

Akalain mong hindi pa maayos ang lakad nito pero kung makahila.

"Warren, baka mabigla yang mga paa mo"

Hindi pa rin siya sumasagot.

Nung nakababa na kami ng tatlong hagdan eh bigla siyang lumingon sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Warren, bakit?"

"Keep in mind that I will always protect you"

Tinignan niya ako ng seryoso nun.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon