Chapter 39: Standing up for you

21.8K 134 30
                                    

Nakatulala lang ako sa paalis na motor ni Patrick nang biglang nagring yung phone ko.

Its Warren calling...

Napabuntong-hininga ako and picked up the phone but said nothing.

(For?)

Hindi ko na tanaw yung motor ni Patrick. 

(For? Hello?)

Inalis ko yung mata ko sa daan

(Ray? Si Ray ba to? Okay ka lang ba?)

"Warren"

(Oh! Buti naman sumagot ka na. Paalis ka na ba ng bahay? bakit di ka nagsasalita?)

"Wala lang. Medyo may nangyari lang dito"

(Ganun ba? Andyan na ba si Manong o gusto mo sunduin na kita?)

"Wag na. Pasakay na ako sa van"

Sa totoo niyan palakad pa lang ako para kunin yung toasted sandwich at itapon sa basurahan kesa pa lang ako sasakay sa van. Pinagbuksan ako ni Manong drayber ng pintuan at sumakay na ako. Lumilipad ang isip ko at di ko na namamalayan kung ano yung sinasabi ni Warren sa kabilang linya.

(.....What can you say? Masaya ka ba sa balita ko?)

"Ha?"

Wala akong narinig kundi yung huli niyang sinabi. Ano yung balita niyang yun? Halatang di ako nakikinig pag tinanong ko ulit sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Dahil lang ba yun sa pagdalaw na ginawa ni Patrick? Naguguluhan ako sa mga sinabi niya kanina.

(Ray? May problema ba? Mukhang may iniisip ka ah?)

"Warren, ah wala. medyo sumama lang siguro pakiramdam ko"

(Ganun ba? Mukhang mali ata yung pagsabi ko ng magandang balita na tuloy yung sports camp ng school niyo at ng amin. Di ka man lang kasi nagreact)

Sports Camp?

Ang tagal kong hindi nagsalita. Malinis naman ang tenga ko kaya alam kong tama ang narinig ko. 

"Tuloy ang alin?"

(Di ka siguro makapaniwala no? Sports Camp na next Friday pagkatapos ng recognition rites niyo. 1 week din yun sa may Tagaytay. Hindi mo na ba tanda? Yun yung pinapalakad sa akin ni Charles. Diba I accepted it?)

"Ah Oo nga no! Buong Basketball team niyo?"

(Oo pati ata track and field eh. Sa inyo ba?)

"Yung basketball team lang at volleyball team"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon