Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(

22.8K 140 54
                                    

Pagsakay namin sa kotse wala na naman imikan. Ano ba yung nangyari kay Patrick? Pinagtritripan ata ako nito eh. Shemai ang galing niyang umarte ha? Pero kanina yung mata niya parang ang hirap naman iarte nun. Sino ba ang nangiwan sa kanya? Yung mga sinabi niya kanina halata namang may pinaghuhugutan eh. Kaso hindi ko alam yung isasagot sa kanya nun. Pwedeng ma-lost. Tinignan ko si Patrick

"Hey Weird! Stop staring! You're giving me creeps" ngumiti ang loko.


Balik na ulit siya sa dati.
So trip nga lang yung kanina?

Shemai (=_____________________=)

Tinakot niya ako dun ha?



Ewan ko ba kung saan naman kami pupunta ngayon basta alam ko kakain kami. Gutom na gutom na ako eh.

Saan niya ako dinala?

Sa totoo lang hindi ko alam . =(

Basta huminto kami sa isang parking lot.

He stopped the car's engine.

"Elise, may ipapakiusap sana ako sayo" nakatingin si Patrick nun sa may manibela.
"Ano yun?"
"Pag baba natin ng kotse, Please just be yourself. Pwede bang wag mo munang isipin si Warren kahit ngayon lang? Last na naman to" humarap si Patrick sa akin tapos ngumiti
"O-kay"

Naguguilty ako nung sinagot ko yun kasi naisip ko aga si Warren. Ano bang gustong mangyari ni Patrick? Yung mata niya alam ko naman na hindi yun nagpapanggap kahit anong lapad pa ng ngiti niya malungkot pa rin yung mga mata niya kaya siguro napa-Oo na rin ako eh.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse nung tumakbo si Patrick para abutin yun at pagbuksan ako. Woah, Parang kanina lang ah di niya man lang ako inasikaso.

"Promise, pag balik natin sa kotse babalik na rin tayo sa dati. Ibabalik na kita kay Warren and hindi ko na kayo guguluhin. Im requesting just this night. Just be Elise. Yung Elise na nakilala ko. " inoffer niya yung kamay niya sa akin. "Tara"

Ray, ngayon lang naman eh. Kawawa naman si Patrick. Ayokong matapos yung gabi na to na makikita kung ganun ulit yung itsura niya katulad nung kanina. Sa totoo lang ayoko na na makitang ganun si Patrick. Hindi ako sanay na parang ang hina-hina niya.Yung parang wala siyang laban.

Inabot ko yung kamay ko sa kanya.

"Hold my hand remember?" isinara ni Patrick yung kotse tapos naglakad kami.

Hold my hand. Yun yung una niyang kondisyon sa first part ng date namin. Ngayong hawak-hawak ko yung kamay ni Patrick parang lalo akong na-ilang. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko hindi ito yung dati na nararamdaman ko pag kasama ko si Patrick. yung takot na sumisigaw sa dibdib ko. Parang ito yung katulad sa nararamdaman ko pag kasama ko si Warren. Dont tell me kinikilig ako ngayon? Hindi no. Hindi pwedeng mangyari yun.

Naglakad kami na magka-holding hands. Nakita ko yung pupuntahan namin parang club dun kasi kami nakaharap eh. Papasok kami diyan? Hindi naman ako papapasukin diyan diba kasi naka-uniform ako pero nung nakaraan nga vibes ni patrick yung guard dito pa kaya? eh dito kami bumaba? Alam ko na ata mangyayari dito. Magaaway na naman kami ni Patrick nito. Idedeny niya ba ulit ako?

Huminto ako sa paglakad at hinila yung kamay ni Patrick.

"Patrick"

Humarap siya sa akin at lumapit. "Bakit?"
Nakayuko lang ako "Ano kasi ayoko sanang pumasok diyan" sabay turo sa club na nasa tapat na namin "kung pwede lang"

"HAHAHAHAHAHA" ang lakas ng tawa ni Patrick nun.

"Bakit ka natawa?"

"Kasi I will never bring you to that kind of place again" tapos nagsimula na naman siyang maglakad habang yung isang kamay niya nakatakip sa bibig niya kasi pinipigilan niya yung tawa niya.

"Nakakainis ka" hinampas ko yung braso niya.

Lumingon siya ulit sa akin "This date is special kaya stop thinking of the worse okay? Andito na pala tayo."

Pagtingin ko kung nasan na kami.

O_______________________________O


Isang malaking branch ng Jollibee.

"Diyan tayo?"

"Oo no! Saya diba? Tara na" hinila niya yung kamay ko.

Parang bata naman tong si Patrick eh kaya pala sila magkasundo ni Warren. Isa pa yun na isip bata. Dumeretso na kami sa counter. Binitawan ni Patrick yung kamay ko kaso nung nakapila na kami nakahawak siya dalawa kong balikat. Nasa unahan kasi niya ako.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon