Chapter 29: Meeting Maxene

21.8K 139 67
                                    

Napako ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ayokong makita tong nasa harapan ko. Ang saya nila. Yung babae at si Warren. Malakas ang kutob ko si Maxene yun. I deserve this right? Wala naman akong karapatang magalit kay Warren kasi mas kagalitgalit yung ginawa ko sa kanya na hanggang ngayon di ko parin maamin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng sariwang hangin.

"Charles, alis muna ako."

"Saan ka pupunta?"

"CR lang"

"Ayun oh" tinuro niya sa akin yung malapit sa stage kung nasan sila Warren at yung girl.

"Ah nauuhaw pala ako"

Binuksan ni Charles yung bag niya at inalok sa akin yung tubig niya "eto oh"

Aish. Kung pwede lang sabihin kay Charles na hindi ko kinakaya yung nakikita ko kaso hindi eh. Umiling ako tapos tumakbo.

"Ray!" sigaw ni Charles.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makaabot ako dito sa may playground ng school. Umupo ako sa may swing.

"Kainis ka naman Ray eh. Di ka pwedeng umiyak. Lalo na ngayon. Siguro kung eto na nga yung karma ko." Pinunasan ko yung mga mata ko. "Inhale, exhale. Wala naman daw gusto dun si Warren dun diba? Kaso bakit ako nakakaramdam ng selos? Shemai naman. Kailangan ko nang makabalik dun eh"

Nag-swing ako.

"Ang ganda nung babaeng yun. Kung ako lalaki magugustuhan ko din yun eh. Kaso bakit ayaw ni Warren? Malabo ba mata nun? Ako kasi kitang kita ko eh."

Tumahimik ako habang nagswing ng dahan dahan.

"Ang ingay mo tsaka kanina ka pa nakaupo diyan sa swing ko" isang pamilyar na boses bigla tuloy akong napatayo sa kinauupuan ko. 

Si Patrick yun ah?! Kaso hindi ko siya maharap.

"Tsss. Stay. dito na lang ako sa kabilang swing. basta dont look at me kundi you'll break your promise"

"Bakit mo ko pinapansin?" diba sabi niya wala nang pansinan?

"Huh? Look whos talking? Kanina nakita mo akong padating kaya ka naglaro ng angry birds diba? You are lucky at di kita nakita na nakatingin sa akin."

"Ah yung kanina ahm katext ko si Warren nun  talaga at di kita nakita no" Alam kong di ako marunong magsinungaling baka kainin na ako ng lupa dito.

"Yeah right. Umupo ka na. Sabihin mo sakin kung ano ang kinalulungkot mo diyan?"

Umupo ako sa tabi nung swing at hindi makatingin sa kanya.

"Hindi ako malungkot no!"

"Elise, you're not good at lying"

"Ikaw din no. Pano mo nasabing sayo to?"  

"Touch the side of that right chain"

Hinawakan ko nga tapos may naramdaman akong nakaukit nung tinignan ko nakita ko ang name na "Pat G." Eh bakit naman niya pinangalanan yung swing? Aba vandalism to ah?

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon