Chapter 80: What If?

13.3K 123 23
                                    

Hello Loves

Nadelay ng isang araw. Sorry :(

Ayun lapit na talaga matapos. :D

2 more chapters the epilogue na. Yung next chapter sa friday na lang or saturday.

Please do leave your opinions :D

Happy Reading!

Raiiinn <3

___________________________________________________________________________

Tumatakbo na lumapit sa akin si Warren.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo, medyo natwist ko lang ata yung muscle ko dito" tinuro ko sa kanya yung paa ko.

Kumunot yung noo niya.

Napakagat ako ng labi.

"Wag ka na magalala. Atleast kahit di naging maayos ang paguusap namin ni Patrick may hope ako na magiging maayos siya."

Hindi nagsalita si Warren kaya feeling ko galit  siya sa akin. Pero ang nakakagulat eh nung yumuko siya para buhatin ako.

"Wag kang malikot. Lalong sasakit yang paa mo"

Masyadong seryoso yung boses ni Warren kaya naconfirm ko na galit nga siya.

Hindi ko na alam gagawin ko.Tinitignan ko yung mukha niya pero napaka-stiff. 

"Warren"

Hindi siya nagsalita.

Hanggang nakaabot na kami sa kotse niya.

"Buksan mo"

Binuksan ko yung pinto ko tas kesa niya ako dahan dahan na binaba sa may upuan.Nung nakasakay na siya eh pinaandar niya agad yun. Walang salita salita. Hanggang makaabot kami sa bahay at binuhat niya ako sa kwarto.

Lumabas na agad siya.

"Bakit ba nagalit yun? Nagpaalam naman ako ah?"

Tumigil na ako nung pumasok siya ulit na may dalang palanggana at hand towel. Umupo siya sa tabi ng kama ko at inalalayan yung paa ko. Linubog niya yun sa maligamgam na tubig at dun minasahe.Pagkatapos eh pinunasan niya yung paa ko.

"Matulog ka na. Uuwi na ako" ginawa niya lahat yun tas galit parin siya?

"Warren" 

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko to gustong gawin kasi sabi niya masama daw pero yumuko ako at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para kagatin yung tenga niya.

"That do not always work especially at times like this"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon