Chapter 10: Plan for Love <3

26.9K 166 15
                                    

"Insan ganyan ka ba kainlababo at nandito ka sa terrace at nagdadaydreaming-wait gabe na so night dreaming??? Ang bilis naman kakaalis lang ni Warren. Or katext mo ba?" Nangungulit na naman si Sasha ah may dala siyang cup ng ice cream tapos inalok niya sa akin,

Kinuha ko yung ice cream aba di ko naman matatangihan yun, Pano ba naman Coffee Crumble yung flavor. he he he.

"Lokaret ka talaga Sasha. Di ko siya katext. Di naman kami ganun ka-attach"

"Anong di ganun ka-attach? eh alam ko gabi-gabi natawag sayo si Warren para mag-goodnight!"

"Oh? Yun lang naman yun. di naman kami nagtetelebabad."

"Anong yun lang? Iba na yan!"

"Weh?" Sabay subo ng ice cream.

"Weh ka diyan?" Kumain din siya ng kanya.

"Eh yung sayo nga insan friend lang DAW pero grabeng telebabad"

"Ah. Eh. Yung akin naman kaklase natin no?" Umiwas iwas na yung mga mata ni Sasha.

"Wag ka nang magpalusot!" Pangiti-ngiti kong sagot sabay subo ng ice cream.

"O siya sige na nga. Anong plano mo?"

May dumaan na naka-motor. Ang ingay kaya di ko narinig yung tanong ni Sasha.

"Ano?" tanong ko.

"Anong kako plano mo? Sa inyo ni Warren?"

"Magulo pa insan." parang nawalan na ako ng gana kainin yung ice cream ko.

"May hindi ka ba kinukwento sa akin?" lumapit na siya sa akin.

"Oo" iniwas ko na yung tingin ko kay Sasha

"Ano yun? nagsosolo ka na ha?"

"ikukwento ko din. masyado pa lang magulo"

"May problema?"

"Oo"

"Ano?"

Humarap ako kay Sasha. "Ako, yung lecheng past ko na natatakot na ako balikan, si Daddy sa magiging reaksiyon niya, at kay Warren dun sa mga taong nakapaligid sa kanya"

"Now its serious." Nilapag niya yung ice cream cup niya.

"Ha?"

"Ikaw. Seryoso ka na kay Warren."

"Hindi naman ako nagloko kahit kelan ah?"

"Hindi ka nga nagloko. Hindi ka rin naman nagseryoso. Magkaibang bagay yun Ray."

"Magkaiba? Panong magkaiba?"

"Hindi ka nagloloko. Totoo yun. Never kang nagpaasa para maging masaya. Kaso di ka rin nagseryoso. Lagi mo kasing iniisip na lilipas din yung pagpapakita nila ng damdamin nila sayo. na hindi ka nila seseryosohin kaya you are shooing them away. Gets? Kaso ngayon mukhang nakahanap ka na ng katapat. Yun si Papa Warren." ngumiti siya tapos kinuha na niya yung ice cream cup niya at kumain ulit.

Kahit medyo lokaret tong si Sasha may sense rin yan magsalita eh. Tagos tagusan sa puso yung sinabi niya ah! Ayokong umiyak na. Sabi nga ni Warren wag daw akong umiyak. Wala daw kasi siya para magpatigil. Baka mapansin niya to sa Saturday. Ngeek. Loka-loka din ako. Friday pa lang bukas. hahahaha. Pero khit na I'm keeping my promise to him.

"Sash, I'm willing to take a risk.... for him.... Sinabi ko yun kanina sa kanya"

"WHAAAAAAAAAATTTTTTTT?!!! Wow insan! Ang saya ko para sayo. Ngayon alam kong handa ka nang magmahal! Yey! Gusto kitang ilibre kaso sa susunod na wala akong ipon. Nako ang insan ko dalaga na ulit!!!" Nagtatatalon tong si Sasha. Aba. tuwang tuwa.

"Huuy, Sasha, ang ingay mo nasa terrace tayo tapos si Lola maaga matulog yun gusto mo ba mapagalitan?" saway ko.

"Err. Sorry naman insan. hehehe" nagpeace pa. "Ang swerte ni Papa Warren sayo ha? tutal swerte kari naman sa kanya. Ang tiyaga nun eh."

"Kaya nga. Ayoko siyang pahirapan."

"Yun naman pala. Sagutin mo na!"

"Lokaret, magkaibigan pa lang kami. Tyaka alam mo na ang mga problema."

"Problemang ikaw lang namomoblema"

"Oo na. Ako na may issues!"

"Akin na nga yang ice cream cup mo. Tunaw na eh. Bababa na ako. Tatawag pa si Xyrus eh. Aantayin ko lang."

"Sige. Lumandi ka na"

"Insan ha? ang bunganga mo"

"Joke lang Sash, he he he. Magmahalan na kayo"

"Good"

Bumaba na si Sasha. Papaiwan lang muna ako dito saglit. Ayos ang langit. Madaming bituin,

*Incoming Call - US AGAINST THE WORLD- Christina Millan*

Walastek mong ringtone. Nakikisama sa love life ko. Ringtone ko kay Warren. Ayuun, Personalized. :) Natutunan ko lang naman tong lokaret na pagriringtone kay Sasha. Papalit palit kasi yun lalo na tuwing magkaayos sila ni Xyrus tapos biglang away. Magulo din yun eh.

>> Future

<<Someday, Nakauwi ka na?

>>Yep. Ang ganda ng langit ngayon. Tignan mo.

<< Oo, nakatingin nga ako dito sa may terrace.

>> Hobby namin to ni Pat. Lalo na pag may problema.

<<May problema ka? Ano?

>> Ako? Wala. Ang weird nga eh. Nakatingin ako sa langit ng masaya.

Narinig ko siyang tumawa.

<<Mabuti naman. Akala ko may problema ka eh.

>>Hmm. Nagiisip lang ako ng plano.

<< Plano?

>> Tama plano. Kailangan maganda kalabasan nitong plano ko.

<<Plano para saan? project?

>>Nope. Plan to make you.... fall in love with me.

<< .....................

Kailangan ba ganito? LUTANG na naman ako. Ang sweet talaga ni Warren, Tunaw. Sineryoso nga niya yung sinabi ko sa kanya na hintayin niya ako. Salamat Warren.

>>Oh siya future, pumasok ka na sa loob. Baka malamigan ka niyan magkasakit ka pa. Magkikita pa tayo sa Sat diba?

<< Oh sige papasok na po.

>> Good night future! See you!

<< Good night someday!

I-eend ko na sana yung tawag kaso...

>>Wait...

<<Bakit?

>>Dont ever cry na. Matulog ka na agad.

<< Di naman ako iiyak sinong nagsabi sayo?

>> Instinct. Basta wag na. Or if you want text me I'll call you agad. Just do not cry without me doing nothing. Okay?

<<Opo Master Someday.

>> Good Apprentice Future. yakap. bye

<<Bye. huug.

At talagang ginagamit na namin yung yakap at hug ngayon? Iba din kami no. Friends na mahilig sa yakap at hug.

Buo na talaga ang loob ko. :) Susuportahan ko ang plano ni Warren na to make me fall in love with him. Sana magwork. Sana walang maging asungot kasi its my heart I'm willing to risk.

Papasok na ako sa loob.

Nang may dumaan ulit na motor sa tapat. Super kaskas naman yung drayber. Aba wala ng bukas?  Sabi na ngang walang asungot eh. Hahahaha. Tama na Ray, pati ba naman yun proproblemahin mo? There are bigger things to worry than that.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon