Chapter 33: DATI :(

21.4K 136 48
                                    

Nasa loob kami ng auditorium ngayon. Tatlong rows ang layo namin sa isat isa ni Warren. Walastek kung tatamaan ka nga naman ng paglalaro ng tadhana magkatapat ang upuan namin ni Warren. Kitang kita ko siya ngayon. Katabi niya yung mga magulang ni Maxene. Nagsimula na yung presentation pero di parin nalabas si Maxene. Katabi ko ngayon si Patrick at si Charles dun tumabi kasama ang family ni Monica. Opening pa lang lumabas na si Monica eh at syempre walang duda ang galing niyang sumayaw.

Just let me hear it out from you, Warren. Kahit gaano pa kasakit yan handa kong tanggapin basta ikaw magsasabi. Gusto ko lang magkaruon ng sense ang pagseselos kong to diba? Kahit alam kong wala akong panama kay Maxene alam ko naman nagkaruon ako ng puwang sa puso ni Warren. Di ko lang alam kung sapat na ba yun para mapigilan ko siya sa pagbalewala sa akin. Hindi ko siya mapigilan na di titigan baka maya maya lumingon siya at di ko alam ang gagawin pero wala akong paki gusto ko lang sulitin tong sandali na nakikita ko siya.

"Gusto mo palit tayo ng upuan?" paglingon ko seryosong mukha ni Patrick ang tumambad sa akin

"Ha? Bakit?" 

"Wala lang eh mukhang naka-glue na yang mata mo kay warren eh"

Nag-pout ako "Ngee"

"Im serious. Kanina ka pa nakatingin sa kanya at parang di ka na kumukurap"

It struck me. Halatang halata na pala ako.

"Does it make any sense kung magpalit tayo? Makikita ko pa rin siya"

"Wala pero at least hindi ka na ganun naka-focus"

"Okay"

Sabay kaming tumayo ni Patrick at dahil hindi namin malaman kung sino ang dadaan at unang uupo sa upuan nasigawan kami ng mga estudyante sa likod namin.

"Umupo naman kayo. Nanunuod kami eh" sabi nung matabang estudyante

"Tama. Aba ngayon pa kayo nagpalit pwede namang kanina pa" sigaw nung katabi niyang lalaki

Pinauna akong umupo ni Patrick. Akalain mong marunong na pala talaga tong trumato ng babae kaso pagdating ata sa lalaki wala siyang ka-amor amor.

"SHUT UP! YOU FREAK!" sigaw ni Patrick habang nakatayo pa rin siya sa tapat nung matabang estudyante

Hinawakan ko yung coat ni Patrick at pinapaupo na siya

"Huy, umupo ka na ayos na to" bulong ko kay Patrick.

Umupo naman agad si Patrick.

Nung tinignan ko ulit yung upuan ni Warren parang wala lang siyang narinig. Nasa stage parin yung attensiyon niya. Di pa naman lumalabas si Maxene. Nakaka-antok palang manuod ng ganito kaso titingin lang ako kay Warren parang gising na ang diwa ko. Feel na feel ko na mission na malaman ko ang totoo kahit nakakakaba.

Eto naman si Patrick halatang bored na bored na sa pinapanuod namin kasi galaw ng galaw sa kinauupuan at parang di mapakali. Hinayaan ko lang siya baka kasi masigawan ako tulad nung ginawa niya sa lalaking mataba. Mahirap na. 

Nagsalita na bigla yung emcee. Yung susunod daw na presentation ay si Maxene ang magsasayaw. Don Quixote yung title ng sasayawin niya. Tumingin agad ako sa upuan ni Warren nakita ko siyang pumalakpak pero syempre di ko kita yung expression ng mukha niya. Tuwang-tuwa kaya siya? Seryoso lang or Nakangiti? Ewan. Pilit ang pagpalakpak na ginagawa ko. Paglingon ko natutulog na pala tong si Patrick. Linakasan ko yung palakpak ko para magising at nagwagi naman ako kasi nagising siya at inayos ang kanyang sarili. Bumulong ako sa kanya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon