Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)

23.1K 142 41
                                    

Nagsisimula pa lang si Warren? eh TUNAW na ako sa ginawa niya. Hay.

Ewan ko ba nung nanunuod kami nung movie parang di kami nagdate kasi naman parehas kaming hanga na hanga sa action scenes ng fast five. Naman. Recommended to! :) Pero ngayong nasa cr ako at naghuhugas ng kamay may isang nakakakilig na nangyari habang nanunuod kami.

Eh kasi diba nakashort ako? kaya lamig na lamig ako nun ayokong ipahalata kay Warren.

Hinihipan ko yun dalawa kong kamay tapos nilalagay ko sa dalawa kong pisngi. Paulit ulit siguro ako kaya napansin na ni Warren.

"Sabi na nga ba lalamigin ka eh. Bakit kasi ganyan suot mo?" nangaasar na boses ni Warren

"Eh kasi naman di ko alam na sa sine pala yung date natin" sinungitan ko nga.

"Here!" tapos kinuha niya yung blanket na may koala na picture tapos binuksan niya at pinatong sa may legs ko.

"Waw (*____*) Koala!!! Pano mo?"

"I have my ways." tapos ngumiti siya "Halika nga dito" tapos nag gesture siya na pinapalapit niya ako sa kanya.

Sumandal ako kay Warren. yung ulo ko nasa dibdib niya. Ang bango naman nitong lalaki na to. Yung right hand niya pinangakbay niya sa akin. Baka naman makatulog ako sa posisyon naming ganito parang nasa bahay lang ah? At home na at home.

Sure ako makakatulog ako dito kaso...

(>/////////////////////<)

He kissed me on my forehead.

Nagising ako bigla so saang paraan ako makakatulog aber?!!!

Parang tanga ako ngayon sa cr at nakangiti.

Nakikita ko ang sarili ko ngayon sa salamin.

Rachel, si Warren naman talaga diba?

Ngumiti ako at napatingin sa wristband na bigay niya.

Yes, its Warren sa simula pa lang.

______________________________________________________________________________

Paglabas ko ng cr nakaabang si Warren sa may gilid nakasandal at nakayuko, dala dala yung blanket na nasa bag. Linapitan ko siya kaso hinawakan niya yung dalawa niyang kamay sa dalawa kong pisngi.

Ang warm nung kamay niya "Nilalamig ka pa?" ^__________^

"Hindi na po" nginitian ko din siya.

"Good tara na?" tapos nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko.

"Yep, Saan tayo?"

"Basta" kinuha niya yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.

Yung kamay ni Warren ang warm talaga. Di man lang ba to nilamig? Eh kasi naman Rachel hindi naman siya naka-short diba? Habang naglalakad kami parang pinagtitinginan kami. Nako naman bakit kasi ang gwapo ng kasama ko. Feeling ko nga di sila makapaniwala na ako kasama nito kasi titingin muna kay Warren tapos sa akin tapos kay Warren, Ang masaklap pa ang tagal kay Warren ha tapos split seconds lang sakin. Mukha ba akong bata sa suot kong to? bakit ba kasi ako naka-pig tail? Karamihan pa mga babae yung nakatingin sa kanya. Nakakapangselos tuloy >.<

Napapatingin ako kay Warren. Si Warren kasi deretso lang yun tingin. Ang dami naman kasing tao sa mall ngayon. May artista ba? Hala nagkakasiksikan na ah. Teka teka. Ang sikip sa mall ngayon TT______TT Dahil ba valentines??? Saklap naman oh!

Dahil sa sobrang kasikipan nabitawan ko yung kamay ni Warren.

"War-ren" pagtingin ko sa harap ko wala na si Warren

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon