Chapter 81: Ultimatum

12.7K 119 41
                                    

Hello Loves!

Sorrrryyy super duper late. :"< Super busy this days. Acad mode on talaga ako. :( 

To keep you posted when is the next update just visit my facebook account. Click the external link. :)

One chapter left and the epilogue.

Lets say goodbye to Fate Of Love really sooon.

Happy reading!

<3

Raiiinn :)

___________________________________________________________________________

Alam kong dismayado si Warren sa nangyari na parang tinatry niya na ayusin ang composure niya.

"Ang liit talaga ng mundo no? Akalain mong dun pa natin makikita si Dad. Wag mo na lang isipin yun."

"Pano yung pag pipiloto mo?"

Gumawa ng pekeng tawa si Warren.

"Next time na lang siguro. Tara na. Maghahanap pa tayo ng mga regalo sa mga bata diba?"

Hahawakan ko sana yung kamay niya pero iniwas niya yun at pinasok sa bulsa niya. Nung nasa loob na kami ng kotse dun ko lang nakita na nanginginig pala yun kaya ayaw niyang mahawakan ko. 

Bigla ko na lang naalala yung mga sinabi sa akin ni Ate Liselle nun.

"Tandaan mo, isa akong Villaroel. Isa siyang Villaroel. We are born to satisfy our family's need for money and power."

Test lang to diba? Like any other problems we had ni Warren. Isa lang tong malaking test. Eventually malalagpasan din namin to.

Pumunta kaming Toy Kingdom. Dapat sana excited ang aura naming dalawa eh pero parehas lang kaming tahimik. Malayo ang iniisip ni Warren at ako naman tinitignan ko lang siya at iniisip kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon.

I must do better than this. Kailangan ko siyang pasiyahin.Iginala ko ang mga mata ko dun sa kids section tapos nakakita ako ng isang malaking action figure ni Mystique ng Xmen. Lumapit ako dito at tinawag si Warren.

"Ever. Ayoko ng may ganito ka sa kwarto mo ha. Ang sexy niya masyado"

Pero hindi ngumiti si Warren at nakatingin lang siya kay Mystique.

"Ang swerte niya no. Kaya niyang maging sino man basta gusto niya. Malaya siyang ipakita at gawin ang gusto niya."

Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong sinabi niya yun ng may kinalaman sa kanya. Tumabi ako kay Warren at tinignan si Mystique.

"Oo nga no kaso palagi niyang itinatago kung sino talaga siya. Pano siya maiintindihan nung mga taong nagmamahal sa kanya kung ganun siya."

Napatingin sa akin si Warren. Gusto ko lang naman kasing iparating na baka pwedeng kausapin niya ng maayos ang tatay niya. Maayos in a sense na baka in such way eh maintindihan siya nito.

"Hindi lahat ng tao kayang umintindi, Ray.Kahit gaano mo pa sabihin na pantay pantay tayo sa mata ng Diyos eh sa mata ng kapwa tao natin ay may mga aangat talaga. Sa tingin mo bakit sikat ang discrimination kung lahat ng tao ganun?"

Tama si Warren. Nasa mata yun ng taong titingin. Napatahimik ako ng unti at humabol na lang ng sasabihin.

"Ah basta wag mong bilhin yan" Tinuro ko si Mystique

Ngumiti siya saglit pero pagkatapos nun bigla na ulit lumungkot ang mukha niya.

Ayoko na ibring out ulit yung topic. Nagawa naman naming bumili ng mag alaruan kaso parang hindi kami naging masaya sa ginawa namin. Iniisip ni Warren yung nangyari kanina at ako naman iniisip ko kung anong nararamdaman niya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon