Chapter 71: Just forget the world

15.6K 122 34
                                    

Hello Loves!

Sorry late update. :"< Katatapos lang kasi ng sem ko. Hey this chapter mabubunyag na yung side ni Warren. At yung may natitira pang secrets ay sa upcoming chapter na that will be posted sa sunday or monday ng madaling araw. Magsisipag na ako tutal wala ng gawain sa school.

This chapter is dedicated to Elaine Castillo dela Cruz tungkol sa song na "Broken" for Patrick na nasa Facebook ko. :)

This line from her comment: "may mga tao kasi talagang hindi para satin kahit gano pa natin gustuhin. "

Happy Reading!

Much Love, 

Raiiinn <3

_________________________________________________________________________

Pagmulat ng mata ko nakita ko na nakangiti sa akin si Warren. Napapikit ako bigla nung bigla niya akong hinalikan sa noo sabay bulong ng..

"Good morning"

I guess yesterday was not really a dream.

Nung naisip ko yun eh bigla akong napabangon sa aking pagkakahiga at hinaplos ang noo ni Warren.

Pinapakiramdaman ko kung may lagnat pa siya.

"Wala na akong lagnat" sabi niya habang inaalis yung kamay ko na nakapatong sa noo niya.

"Icheck lang natin ng mabuti" hindi ko parin inalis yung kamay ko.

"Ive done that already" katwiran niya sa akin.

"Warren wag na matigas ang ulo mo. Ang taas ng lagnat mo kagabi" binaba ko yung kamay ko papaunta sa leeg niya.

Hindi na siya sumagot habang chinecheck ko ulit siya. Hindi pa ako nakuntento eh kumuha pa ako ng thermometer at inabot sa kanya.

"nga nga"

Mabilis naman niyang sinubo yun kaya nginitian ko siya.

"Titignan ko lang kung may breakfast na. Hindi ka kasi kumain kagabi"

Lalabas na sana ako ng kwarto nun nung biglang tumalon si Warren sa kama at mabilis na hinarangan yung pinto. Nakasubo parin sa kanya yung thermometer.

"bakit?" tanong ko sa kanya nung mapansin ko na hindi naman siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

Tinanggal niya yung thermometer sa bibig niya.

"Wala na akong lagnat" ulit na naman niya.

"Mabuti na ang nakakasigurado"

"Sigurado ako"

"Pano kung mabinat ka? Ibig sabihin may sakit ka pa din. Papagaling ka pa lang"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon