Chapter 45: Empty Beginning

19.2K 148 49
                                    

Hello Guys! :D 

Bago niyo man mabasa ang update ng Fate of Love gusto ko lang po linawin na hindi pa ito matatapos or hindi rin nalalapit ito sa katapusan. Parang sa isang show eto ang season 2. Ayokong gawing book two kasi pwede pa naman siya dito diba? 

Bakit ganito ang outcome? Gusto ko lang kasi medyo mature na sila. Ang hirap magsulat pag alam kong highschool pa lang sila. Tignan niyo yung Kissing Coach na chapter, feeling ko fail ako nun. Sorry =__________= 

Simula nga po pala ngayon ay bobonggahan ko na ang mga pictures. Oha. Talagang nagsearch pa ako ng mga mukha nila. Sana naman macommentan niyo rin ang pics na gawa ko. 

Singit ko lang, gusto ko lang po i-plug ang isa ko pang story na Perfect Match <3 at yung one shot ko na Too Late for Love. Sana po mabasa niyo din at makapagcomment kayo dun. Please Please. Sana masuportahan niyo yun gaya ng pagsusuporta niyo sa Fate of Love. Nakikiusap ako. (Hala, desperada na kasi ginawa ko po yun para rin sa mga readers ng Fate of Love) Thank you!

At syempre, Thank you very much sa lahat ng support na binibigay niyo. 

Hope you'll like this one,

<3

Rain

______________________________________________________________________________

It's been three years.

Three years nung nawala sa akin si Warren.

Three years na hindi ko alam kung pano mabuhay ng kumpleto.

Three years ng pagpepeke ng ngiti.

Three years ng paghihintay.

Akala ko OA na pag sinabi ng isang tao na di niya kayang mawala ang taong mahal niya. Di siya makakakain, makakatulog at mabubuhay ng wala yung partner niya.

Yung pakiramdam na may kinuha sayo ng di mo namamalayan. 

Yung pakiramdam na nawala ang isa sa mga bagay na pinagkakaingatan mo.

Yung pakiramdam na hindi ka pa man lumlaban eh talo ka na o kahit yung pakiramdam na lalaban ka palang nawala na yung pinaglalaban mo. 

Yan ang naramdaman ko nung nawala si Warren.

KORNI siguro nung una pero nung nangyari sa akin yun.

Shit! 

ang sakit.

Wala naman akong pinangrarap na iba kundi ang makatagpo ng isang magmamahal sakin at mamahalin ko rin. Ayun natagpuan ko na kaso bakit ambilis nawala?

Isang buwan. 

Pag ikaw tinanong kung hanggang kelan kayo ng ex mo at sasabihin mong isang buwan. Hindi mo maalis sa kanya na magisip na walang seryosohan na nangyari. Trip trip lang.

Eh bakit yung akin hanggang ngayon masakit?

Gaguhan naman oh!

Bakit ang hirap sumaya?

Bakit ang hirap maging masaya ngayong wala na siya?

Tinamaan ka nga naman oh!

Putyang Pagibig to.

Sana alam niyang mahal na mahal ko siya.

Na sana nung araw na hindi ko sinagot ang tanong niya ay oo ang sinisigaw ng puso ko.

Oo, gusto ko siyang mag-stay sa buhay ko kasi alam ko sa kabila ng galit ko marerealize ko na mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya.

Na darating ang araw na matatangggap ko siya kasi siya lang ang laman ng puso ko. Masosolusyunan namin ang problema basta kasama ko siya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon