Chapter 68: *promise*

16.4K 116 28
                                    

Hello Loves!

Okay napasa ko na yung proposal ko so magkakaroon ako ng free time na ituloy na ang Fate of Love to the point na tatapusin ko na siya. Mahahang pa lalo ang Perfect Match at from time to time iuupdate ko ang The One.

Sorry, I need to find time din kasi for my defense. Bakit ang hirap ng college? :"< HAHAHA. Pero atleast Im looking at the bright future diba? Dapat ganun.

So yung kasagutan kung bakit ganun yung tanong ko ng nakaraan. Kung nagsasawa na ba kayo sa FOL. Siguro kasi una: super tagal bago makakota. Kaya I remove it na. Siguro kasalanan ko din kasi ang tumal ng bawat chapters. Pangalwa ang comments ay puro 'update po' :( Sad though thank you. Ako po kasi ang nawawalan ng gana. Pangatlo: Ang haba na daw kasi. Yeah mahaba siya kasi that is what I planned. Ito ang first story ko na pinost sa Wattpad so expected na po na I will give it all for this story. Dont worry, matatapos na naman talaga. Nakakasad pala na gusto nung iba na matapos na to :(

Ayun, as always no hard feelings. I have my own mistakes din naman kaya ko naramadaman na nagsasawa na kayo. Nevertheless, THANK YOUUUUUUUU sa walang sawang paghihintay at pagbabasa ng story na ito.

I love you all. :">

Raiiinn <3

PS:

I found a thai actress na gusto kong maging bida after ng Fate of Love. No title yet. Gusto niyo makita? Check my facebook account, Click the external link at the right side! Thanks!

_________________________________________________________________________

Binalikan ako ni Warren.

Gulong gulo ang utak ko. Diba nung dumating siya hindi niya ako naalala? Binalikan niya ako pero hindi man lang siya nakipagusap sa akin. Bakit siya nakinig sa kung anumang sinabi ni Kuya Nico?

May nagawa ba akong mali?

Sa tatlong taon na hinintay ko siya ako ba ang may dahilan kung bakit iniwan niya ako?

Hindi ko madescribe ang kaba ng puso ko. Gustong gusto kong maiyak pero walang luha. Lahat nagfaflashback sa akin. Yung mga sinabi niya dati.

Bakit parang wala akong ginawa kundi isipin lang ang sarili ko?

Bakit di ko man lang naisip na nasaktan ko rin si Warren?

Lumapit ako sa aking study table. Kinakalma ko ang aking sarili kahit na sunod sunod ang pagpasok ng mga alaala ko. Pinikit ko ang aking mga mata at umiling.

"Tumigil ka na Ray. Ang arte mo ha. Eh sa ito ang happy ending mo at ni .." binuksan ko ang aking mga mata.

Dun ko lang ulit nakita yung kwintas ni Warren na nakasabit sa accessory stand ko na matagal ko ng di napapansin.

"Warren"

Tinitigan ko lang yun.

Ang lakas talaga magbiro ng tadhana.

Ano pa ba ang magagawa kung itatanggi ko diba?

Lahat naman siguro alam na mahal ko pa siya. Kahit hindi ko na ipagsigawan.

Sa simula pa lang naman siya na eh.

Hinawakan ko yung necklace na yun.

Ayoko na plastikin ang sarili ko kasi alam ko naman na si Warren parin ang mahal na mahal ko.

Nung nalaman ko na binalikan niya ako, naawa ako sa kanya at nainis din kasi sinolo niya lang lahat.

Ngayon, yung thought lang na binalikan niya ako ang saya kasi yun na yung sagot sa matagal ko ng tanong sa sarili ko.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon