Chapter 16: Right and Left.

25.3K 178 43
                                    

Hi guys! :)

Eto na yung update. Sana pwedeng after niyo mabasa comment kayo. I badly need it para sa mga ideas. please. Maawa na kayo sa akin. HAHAHAHA. please. Para ganahan magupdate :)

Reactions niyo ha? :))

Salamat.

HAPPY READING <3333333333

_____________________________________________________________________________

Maaga akong nagising. Maganda ang tulog ko. Ayos na kami ni Warren and I know nasa landas kami ng "And they live happily ever after". hahahaha

Nakaupo ako sa kama ngayon.

Lutang ang isip. Practice game nila Warren ngayon. Masaya ako kasi makikita ko siya. Ipapakilala niya daw ako sa bestfriend niya. Nalulungkot ako pagnaiisip kong hindi pa alam ni Warren na magkakilala kami. uhm, Kasi naman eh, sasabihin ko din. Ang hirap kasi ang pangit ng pagkakakilala namin ni Patrick pero we're going to be fine diba? para kay warren.

Pupunta sana akong cr.

Then I saw those blue sleeping slippers na may mukhang panda.

Para sa akin mabait si Patrick.

He must have reasons for not acting like one.

Pero para sa akin mabait siya. :)

Siya naging daan para maging okay kami ni Warren so sa anong dahilan para hindi ko siya masabihan ng mabait. Natural lang naman ang pagdududa niya sa akin pano ba naman sumulpot na lang ako bigla sa buhay ng bestfriend niya diba?

"Insaaaaaaaaan" sigaw ni Sasha habang natakbo paakyat ng kwarto.

Pumasok si Sasha sa kwarto habang dala-dala yung wireless phone ng bahay namin.

"Oh bakit ang ingay ingay mo?" ang aga pa eh.

"Si kuya Nico." habang tinuturo yung phone "Bilis kausapin mo."

Inabot sa akin ni Sasha yung phone.

"Kuya Nicooooooooo!" na-excite na ako eh. 

Si kuya Nico? Nico Hanson Bautista. Pinsan ko sa Father's side. Si Sasha sa mother's side. Kung ilan ba kaming magpipinsan? 3 lang talaga puro solong anak kaya ganun kung ituring namin ang isat isa parang magkakapatid.

"Aray Elise! Para ka namang si Sasha eh. Ang sakit na ng tenga ko." 

"Kuya nico? Kelan ka babalik?"

"Malapit na."

"Kelan nga?" Tumingin ako kay Sasha halatang wala siyang alam kung kelan uuwi si kuya nico.

"Malalaman mo din" ang tipid sumagot.

"Okay ka na ba?"

"Oo. Ako pa malakas to."

Anong meron kay Kuya Nico? Nasa States siya ngayon kasi nagpapatherapy siya. He's entering college na sana kaso napaaway siya. Napaaway siya by protecting his girl. Si Ate Liselle Marie Santiago. Naaalala ko pa nun duguan si Kuya Nico nung umuwi. Napilay yung paa niya kasi pinagpapalo ng tubo. Good thing naoperahan na pero yung trauma para kay ate Liselle di naalis. That's why they broke up. Ewan ko kung ano na nangyari sa kanila. Si ate Liselle kasi naiwan dito sa Pinas tapos si Kuya nico lumipad sa states. Alam ko kahit hindi nagsasalita si Kuya nico miss na miss niya na si Ate liselle. Parang silang God made for each other eh. Kung hindi lang sa mga gang members na gumawa nun kay Kuya nico. Never kaming nagsampa ng kaso ayaw na rin kasi ni kuya nico pero nung iwan siya ni ate liselle parang nagbago pananaw niya. Dapat daw makulong yung mga taong yun.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon