Chapter 53: Reconcile

19.8K 206 81
                                    

Hello Loves!

As promised pagnatupad ang quota, may update at ito na yunnnn. Wee, Naexcite akong isulat to kaya excited din ako sa comments niyo. Let me hear your heart's voice. Thanks!!

Click the external link on the right side: Baka nasa top comment ka pala or I just mentioned you. May announcement din dun.

Still, 100 votes and 50 comments for next update.

Happy Reading,

Rain <3

______________________________________________________________________________

Pinasya kong pumunta sa rooftop at umupo sa bench na nandun. Siguro dito mapapakalma ako sa naramdaman ko kanina.

Kung may amnesia si Warren at hindi niya ako naaalala bakit umabot ng tatlong taon? Tatlong taon walang balita? Siguro pinili na rin nila na wag akong ipaalala sa kanya para saan pa? Wala na naman kami nung naaksidente siya diba?

Kaso kasi naghintay ako.

Naghintay ako sa wala.

Pag naiisip ko yun di maiwasan mangilid ang luha sa aking mata. Ang hirap talagang maiwan. Kinalimutan ka na di mo pa alam.

Pero di naman niya ito ginusto diba?

Shit! Nagsasalita na naman ang maliit na tinig ng puso ko. Tama na, ginusto niya man o hindi nangyari na. Nalimutan na niya ako. Ako na walang ginawa kundi antayin siya.

Pinunasan ko ang mga mata ko. Ganito naman talaga diba? Hindi lahat ng tanong nasasagot. Tulad ng mga tanong ko sa kanya, hindi niya na masasagot kasi wala na siyang maalala.

Hindi niya na ako maalala.

Trinatraydor talaga ako ng puso ko. Kasi naaawa ako sa kanya. Walong buwan siya sa ospital at anim na buwan para sa therapy. Anong hirap ang dinaanan niya? 

"By the way,my past self is really sorry sa nangyari sa anuman ang meron sa atin pero sa tingin ko kung papapiliin ako mas gusto ko na yung buhay ko ngayon kesa dati"

Bakit niya sinabi yung mga salitang yun? Ano bang mga bagay ang pinaalala sa kanya? Bakit mas pinipili niya na hindi kumpleto ang naaalala niya?

Tinaas ko ang mga tuhod ko at yumakap dito. Sabay patong ng ulo ko.

Magulong magulo na talaga ang utak ko ngayon.

"Nandito ka lang pala"

Pagkataas ko nung ulo ko nakatayo sa harap ko si Patrick. Naka-jersey siya at halatang halatang hinahanap niya talaga ako base sa mukha niya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon