Chapter 67: Puzzle Pieces

16K 138 40
                                    

Hello Loves!

Happy Anniversary sa aming dalawa ni Watty! :">

At dahil ayoko ng negative vibes, next update na talaga yung paliwanag kung bakit naging ganun ang tanong ko nung chapter 65.

I appreciate lahat ng nagreply sa tanong ko. Alam kong di ko narereplayan ang comments dito sa wattpad pero nagrereply naman ako sa facebook account ng stories ko.

Alam kong matagal yung update. I am currently busy with my proposal and stuff. Graduating year ko na po. Please do understand. At sa mga patiently na naghihintay, Mahal ko na kayo! :)

PS: May mga regalo ako sa readers ng stories ko. :) As in! Soooon! :">

Happy Reading,

Raiiinn <3

________________________________________________________________________

Hindi kailangan malaman ni Patrick na si Warren ang may dala nung bulaklak.

"Baka dumaan na dito sila Kuya Nico, kaya may bulaklak na" Paliwanag ko kay Patrick

"Hmm? Parehas pa kayo ng dinalang bulaklak. Your mother's favorite flower?"

"Oo"

Tinignan ko si Patrick habang nakatingin parin siya sa puntod ni Mama. Ayokong magsinungaling sa kanya pero yun lang ang naiisip ko na paraan para hindi na magkaruon ng gulo.

"Mukhang di ka pa nagkakaruon ng quiet time with her. Dun muna ako sa motor"

Papaalis na sana si Patrick.

"Wait. Bago ka umalis, its rude kung di kita ipapakilala kay mama."

Lumapit ako kay patrick at dahan dahan siyang nilapit sa puntod ni mama.

"Ma si Pat."

"Patrick, Mama ko. She died when I was really young. Cancer"

"Kung iisipin, hindi natin napagusapan ang mama mo"

"Siguro kasi siya ang pinakaspecial memory na meron ako. Yung masasabi kong akin lang"

"I wish I have what you had" malungkot na sabi ni Patrick

"You have it. Siguro hindi mo lang nakita pero alam kong may special moments ka din kasama ang mama mo"

"Alam mo, you always give me faith to hope" Patrick gave me a faint smile. "Sige, aantayin na lang kita sa motor"

Nung nakaalis na si Patrick eh umupo ako malapit sa puntod ni Mama.

"Ma, kamusta ka na? Alam ko namang masaya ka diyan. Marami sigurong bulaklak diyan no?"

Dahan dahan kon inalis ang mga tuyong dahon sa puntod ni Mama

"Ma, bakit ganun? Kinokondisyon ko naman yung sarili ko na balewalain na si Warren pero bakit may mga nangyayaring ganito? Naaawa ako kay Warren, Ma. Kung totoo nga yung mga sinabi niya sayo, matitiis ko pa ba na hindi tanungin sa kanya ang nakaraan? Naguguluhan na ako. Ayoko na sumugal ulit. Yung lalaki kanina, si Patrick, alam ko na siya ang dapat mahalin ko. Dapat hindi na ako nagkakaganito kung gusto ko na magsimula kami kaso Ma hindi ko talaga maiwasan eh. Feeling ko ang sama sama kong babae. Dapat diba hindi ko tinatali si Patrick sa akin kasi nabubuhay parin ako sa nakaraan. Gustuhin ko man iwanan yun eh unti unti kong nalalaman ang mga bagay na gusto ko nang kalimutan. Ma, ano bang dapat kong gawin? Buong akala ko ako lang ang naghirap sa tatlong taon na yun pero si Warren din pala. Sa totoo nga niyan mas mahirap pa ang pinagdaanan niya. Gulong gulo na ang utak ko mama. Sana andito ka"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon