Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?

26.1K 188 40
                                    

Friday ngayon syempre may pasok.

Nagaaral ako at si Sasha sa Canossa de San Martin High School. Yep. Its a private School. Simula elementary ata dito na kami nagaral and were in our 3rd year high school.

Dito sa Canossa. Simple lang. Pinapatakbo ng mga madre pero ayos lang. Co-ed to. For boys and for girls. Lunch break ngayon. Ano kaya ginagawa ni Warren? Di kami magka-school sa Saint Benedict siya nagaaral. Bukod sa bawal din ang cellphone sa kanila tulad sa amin si warren ngayon ang Vice president external ng Student Government Organization at Basketball Varsity player pa siya. Ang galing ng Someday ko no?

Ako sa school? Ayun di hamak na simpleng estudyante lang. Ang sport ko lang ay volleyball. Recruitment head ako ng team ngayon term. Pagkatapos nun wala na akong minamanage kundi ang acads ko.

"Ang tagal magsabado insan no?" At eto na naman po si Sasha. halatang nangaasar lang kasi in good terms na naman sila ni Xyrus after maliit na LQ kagabi.

"Oo nga eh" Sinakyan ko na lang si Sasha. tutal sinabi ko na naman lahat sa kanya maliban sa problema namin ni Warren.

"Ay ay, ang vocal mo na ngayon ah?"

"Syempre insan slash bestfriend kita."

"Dapat lang!"

-------------------

"Sash" si Xyrus yun mukhang maglulunch na sila.

"Insan tara lunch tayo kasama si Xy" yaya sa akin ni Sasha

"Mauna na kayo. Baka langgamin pa ako dun di pa ako makakain," Humarap na lang ako sa bintana. Tinatamad talaga ako eh.,

"O sige sumunod ka insan ha?" umalis na si Sasha

Aba at di nagpaawat ang lokaret. gusto talagang kumain kasama si Xy. Mukhang nagiging seryoso na sila ah. Nako. Ayos lang matino naman si Xy minsan lang tinatamaan ng topak.

Mukhang uulan ah. Hays nakakatamad naman to. Maka-iglip na nga lang.

Iyuyuko ko na sana ang ulo ko nung I saw someone familiar.

Someone who had my heart a long time ago.

Si Charles Jose De Padua.....

and he is not alone.

Kasama niya si Monica Yvette Oleriana.

his ex when he tried to won my heart.

Magkaholding hands pa sila nun. Diba sabi ko sa inyo di ko alam kung nasan na siya? Kasi after our good bye never na siya nagpakita sa akin. What I mean pakita, never na siyang nagtry to communicate with me in any forms.

He's happy.

Kita naman sa mukha eh. Nagtagal din sila ah. 8 months after we ended the relationship na hindi pa nasisimulan. Siguro ang pinagkaiba lang ngayong nakita ko siya at dati, eh ngayon pagnakikita ko siya alam kong di na ako nasasaktan. Wala na yung parang sakit sa dibdib. Ayos na ako. Siguro dahil na rin kay Warren to. Napangiti tuloy ako.

I am being okay little by little. In due time, ayos na ang puso ko.

Pwede na ibigay kay Someday! >.<

Cheesy ko.

Wish ko lang maging masaya sila ni Monica.

Gusto ko na rin kasing sumaya kay Warren.

------------------------------------------------------------------

After lunch, balik na ulit sa kinig-sulat-aral session sa school. Bukas Saturday na. Yun na lang ang nilolooking forward ko.Hindi na sasabay sa akin si Sasha pauwi. Dadaan muna daw sila bookstore ni Xy. If I know magdadate lang sila.  ho ho ho. Mabuti naman pareho kami ni insan na ayos ang love life.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon