Chapter 74: Race

15.6K 147 78
                                    

Hello Loves!

So ito na :"> Sorry for the delay. Hayaan niyo na matatapos na din naman to. HAHA. Tyaka a special friend by the name of Haidee Perez made a SUPER GANDANG VIDEO for Fate of Love. Sa totoo lang naglalaman ito ng mga mangyayari na nagsimula sa chapter na to. I must say na pinagpawisan talaga ang kamay ko at ilang beses akong napa- 'oh my gosh'. So heart warming video, as in nagstrike na talaga sa akin na magtatapos na siya. 

If you wanna see it, just click the external link at the right. Nasa fb ko :D

Then, I want to say thank you sa lahat ng nagpost ng lines ng Fate of Love dun sa link na binigay ko last chapter. Nakita ko siya and talagang nagulat ako kasi tanda niyo pa siya.

@PrincessGileeneAmo 

@AbakadaElayana 

@Challaine_Nickholson 


Dahil you made a super baet move for me. Bibigyan ko kayo ng tigiisang dedication depende dun sa line na binigay niyo. (Lets see kung mahagilap ko. HAHAHA) Thank you so much! 

Hey, 9 chapters more then 1 author's note to go! :D

Please support Fate of Love!

Happy Reading!

Much Love,

Raiiinn <3

 ____________________________________________________________________________

Kailangan ko silang sundan.

Kasabay ng pagtangka ko na sundan sila eh hinawakan ako ni Jayson sa braso.

"Ray, hayaan mo na sila."

Hinarap ko siya at kagaya ng boses niya eh bakas din sa mukha niya kung gaano siya kaseryoso.

"Baka anong mangyare sa kanila."

"Usapang lalaki yun. Hayaan mong ilabas ni Patrick ang sama ng loob niya"

"Pero-"

"Tama si Jayson, Ray. Hayaan muna natin sila." lapit sa akin ni Joysee.

"Pag nagtagal pa sila susundan natin sila. Wag ka na magalala" dugtong pa ni Lyka.

I sighed as Jayson let me go. Napahawak ako sa noo ko. 

Maayos ko pa ba to?

Ayokong nakikitang ganun si Patrick. Hindi ko na maalala ang huli niyang inom na ganun karami. At yung mga mata niya, hindi pagmamayari ng Patrick na kasama ko palagi.

Bumalik siya sa dati at kasalanan ko yun.

"Ray, ayaw man naming manghimasok pero kaibigan mo kami at naapektuhan kami sa inyo ni Patrick. Kung mahal mo nga si Warren sa tingin ko hindi mo na pwede maging kaibigan si Patrick"

Napatingin ako kay Joysee. "Ano?"

"Tama si Joysee. Kung nakapili ka na kailangan mo na pakawalan yung isa. Magkakasakitan lang ang lahat. Yun ang dapat pinakaiwasan natin. Lessen the damage" upo ni Lyka sa isang bench.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon