Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up

28.3K 200 24
                                    

Siguro sa sobrang pagod nakatulog ako sa kotse ni Warren. Safe naman siya magdrive eh. Nagising na ako kaso nahihirapang buksan ang aking mga mata paano ba naman ang sarap sa loob ng kotse niya. 5 Mins lang. Alam ko naman kasi na nasa tapat na kami ng bahay ko eh.

“Future”

Naman. Ginigising na ako ni Warren. 5 minutes pa Someday.

“Gising na”

Napabukas yung mata ko nung naramdaman kong na ang lapit na ng mukha ni Warren sa akin. Ramdam ko na yung hininga niya sa mukha ko eh.  Nakaside  view kasi ako nung nakatulog.

“Good evening” ^_____________^

Kung ako ba naman ba gigising ng ganito. Hay. Ang saya.

“Warren”

“Oh?”

“Masaya ka ba?” Bakit ko ba to tinatanong? Naguguluhan pa siguro ako kay Patrick. Mabuti na ring alam ko.

“Oo. Lalo na pag kasama ka.” ^______________^

“Bakit naman?”

“Hindi ko din alam. Siguro kasi kakaiba ka sa mga nakilala kong mga babae. Simple ka lang. Hindi maarte. Hindi ka nagpapaimpress. Marunong kang umintindi sa iba”

“Meron ding katulad kong iba no”

“Bakit pa ako maghahanap eh nakita na kita? Tyaka ikaw antukin at sadista pa” sabay kurot sa pisngi ko.

“Pano kung kahit magkaibigan pa lang tayo hindi na ako tanggap ng mga tao sa buhay mo?” Naalala ko lahat ng mga sinabi ni Patrick sa akin. Baka mapaluha ako ng di oras nito.

“Hahaha. Ano ka ba? Panong di ka magugustuhan? Yung mga magulang ko cool sila. Di sila marunong maghusga. Yung kapatid ko mabait din yun medyo kaugali nga lang ni Pat. Si Pat baka duon tayo mahirapan.”

“Ganun?” Ang sikip ng dibdib ko. Sabin a nga ba eh, kahit si Warren ramdam yun.

“Joke. Bestfriend ko yun kaya alam kong siya ang unang makakaintindi sa akin. Alam kong magugulat sila. First time kasi akong nagkaganito sa isang babae. Basta ang alam ko I want to do my best shot. I want to do it all para sayo”

Napapaiyak na ako sa sinabi ni Warren. Paano ba naman nagsisimula pa lang kami tapos magkaibigan palang turing naming sa isat isa eh seryoso nap ala talaga siya sa akin.

“Sor -*sob*-ry” pinunasan ko yung mga mata ko “Nakakahiya umiiyak ako”

“Wuy, bakit? May nasabi ba akong masama?”

“Wala. May naalala lang ako”

Naalala ko si Charles. Paano kung isa din siyang pa-fall? Kaya ko na ba tong sabihin kay Warren? Naman oh. Naasa na ba ako sa kanya? Eh wala pa nga may mga problema na kami. Yung bestfriend niya at yung past ko.

“Ano yun? Wag ka nang umiyak.”

“Siguro kailangan mo nang malaman. I am not ready yet dahil sa past ko. There is this guy na kagaya mo handa akong intayin at super caring. *sob* Kaso Warren *sob* iniwan niya ako nung malaman niyang mahal niya pa yung ex niya.*sob* Ang sakit nun. Sobrang sakit nun *sob* Kasi kahit nililigawan pa lang niya ako I am projecting my life na kasama siya. “sob* Nung day na balak ko siyang sagutin dun ko nalaman lahat. *sob* Rebound lang pala ako. After that I lost trust na sa iba. *sob* Pero nung nakilala kita I think I am willing to take a risk…”

Napahawak na ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Di ko na namalayan na ganito pala pag nilet out mo na yung masamang pangyayari sa buhay mo na gusto mo sana yung taong kausap mo ang papalit sa dapat nagging pwesto nung isa.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon