Chapter 40: Kissing Coach

21K 140 44
                                    

Magkasama kami ni Warren ngayon sa apartment niya. Wala na naman kasing pasok dahil simula na ng bakasyon. 

Natripan naming magpadeliver ng hotcakes, hash brown at hot choco dahil sa sobrang lamig ng panahon. 

Nagsimula na akong maghugas nung magsalita si Warren.

"Anong sabi mo?"

"Wala"

"May narinig akong sinabi mo?"

"Nako ubusin mo na yang kinakain mo at nang mahugasan ko na yan"

Nagpatuloy ako sa paghugas ng pinggan ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod.

"Ano yung narinig kong sabi mo?" bulong sa akin yan ni Warren.

Bakit kailangan ang lambing niyang bumulong ngayon?

>____________<

"Err Warren naghuhugas ako"

"Edi tutulungan na kita" 

Hinawakan niya yung kamay ko at nakikihugas narin. Any moment mabibitawan ko na tong pinggan at mababasag to for sure.

"Warren mababasag tong pinggan sa ginagawa mo"

Binaba ni Warren yung pinggan na hawak namin at yung kamay ko yung hinuhugasan niya mula sa tubig na nanggagaling sa gripo.

"Ano kasi yung sinasabi mo?"

"Narinig mo naman diba?"

Pinatay ni Warren yung gripo at hinarap niya ako sa kanya.

"Oo pero di ko sigurado kung yun nga narinig ko."

"Ay ang kulit lang. Wala nga yun Mr. Villaroel" pinisil ko yung ilong niya

"Di mo talaga sasabihin no?"

"Nope"

Niyakap niya ako ng mahigpit tas pinatong niya yung baba niya sa may balikat ko.

"O sige di kita papakawalan. Kahit abutin pa tayo magdamag dito"

Yung kamay ko nasa dalawang sides ko lang. Di na ako nagsalita.

"Wala ka talagang balak sabihin?"

Ano ba naman to? Pinapahirapan niya ba ako sa sobrang kilig? Kahit pa sabihin nating boyfriend ko na si Warren di niya parin maiwasan bigyan ako ng butterflies in my stomach. 

Nung di pa ako sumagot. Gumalaw yung right hand niya at hinawak sa batok ko. The next thing I know is he kissed my shoulder then slowly up to my neck. Naramdaman ko na naman yung init sa mukha ko pero ngayon pati ata yung katawan ko. Eto ba yung tinatawag nilang raging hormones ng isang teenager. Wait. Teka, ano, kasi nandito kami sa apartment niya tapos kaming dalawa lang tapos ano babae ako tapos lalaki siya.  Baka mangyari ang hindi dapat mangyari.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon