Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?

21.3K 127 39
                                    

Pinunasan ni Warren ang mga luha ko.

"Dapat ngayon walang lungkot. Kunwari tayo lang ang tao sa mundo. Wala tayong problema. Hindi mo ako problema. Sana kahit sa araw na to maibalik natin yung dati"

I nodded.  Inalalayan niya ako sa pagtayo.

"Sorry dito sa posas ha?"

"Ayos lang"

"Tara"

"Saan tayo pupunta?"

"Tara sa enchanted kingdom!"

"Weh?"

"Oo nga"

"Hindi ba malayo ang byahe?"

"Ayos lang, expressway tayo dadaan pero bago pala yun may  kailangan tayong kunin"

Nagsimulang maglakad si Warren papunta sa kotse niya. Binuksan niya yung likod at may inabot sa akin na enchanted kingdom na plastic.

"Ano yan?"

"Isuot mo, pati yung hat ha?"

Pagtingin ko dun sa inabot niya. Enchanted kingdom na shirt pati hat.

"Are you serious?"

"Oo. di mo ba napansin sa damit ko?"

Boom. Nakasuot nga siya ng blue na enchanted kingdom na shirt at naka jeans.

"Errrr. Asan yung hat mo?"

ngumiti si Warren. "Nasa loob ng kotse. Dont worry di kita dadayain. Isusuot ko yun"

"Eh pano ko to isusuot?" tinaas ko yung kamay ko para mapakita ko sa kanya yung posas

May kinuha siya bulsa niya na susi.

"Here, pero dahil I abducted you kailangan dito ka lang sa kotse magpalit baka bigla kang tumakas eh"

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAT??? Magpapalit ako sa kotse mo?"

Tumawa siya ng malakas "Future ang green minded mo. Wala akong gagawin sayo no"

Namula ako.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at sinusian ang posas ko. Pagkatapos nun hinawakan niya ang kamay ko at pinagbuksan ako ng kotse.

Pagkasara nung pinto hindi muna ako nagpalit. Ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niya? Di pa siya nageexplain pero kanina kung di niya ako yinakap baka napa-oo na lang ako bigla. Napayakap ako sa sarili ko. Alam ko namang mahal ko pa siya eh pero sa kanya parin ba ako sasaya? Tulad nung ibang relasyon, hindi naman laging naghihiwalay dahil sa nawala na yung love. Minsan nararamdaman mo lang na hindi ka na sasaya sa kanya. Eh sa akin? applicable ba yun?

Napa-buntong hiniga ako at nagbihis. Lumabas ako ng kotse. Para kaming naka-couple shirt parehas kami ng kulay ng damit pati yung design. 

"Bagay sayo, Tara na?"

Pumunta si Warren sa may unahan ng kotse para pagbuksan ako.

"Warren"

Tumingin siya sa akin habang nakangiti.

"Pano kung di na tayo pwede?"

Nawala yung ngiti niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kotse.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon