Chapter 2: NOT him.

37.6K 309 18
                                    

                   Alam ko torete na ako. kelan ko kaya ulit makikita si Warren? He is someone different. Hindi ako naniniwala sa Love at first sight no pero that event was something different. Alam kong it will be one of the most special days in my life.

"ano insan nagdadaydream ka na naman? si mr.payong ba yan?"

"tigilan mo nga ako Sasha."

                    Si Sasha Winona Bautista Loyola ang pinsan kong saksakan ng kikay. Infairness maganda at matalino yan di nga lang maubusan ng kwento sa katawan. Marunong naman yan magtago ng secrets kaya nga di lang yan insan ko eh slash bestfriend ko pa yan.

"Nako, Rachel Elise Bautista. Wag ka na ngang magpaka-manang. 3rd year high school na tayo no.  sige ka, sabi mo pa naman gwapo, mayaman at mukhang mabait si Papa Warren. Papalagpasin mo pa ba?"

"Sasha! Marinig ka ni Lola diyan eh. Hiningi niya lang naman yung pangalan ko."

"So naniniwala kang di ka maganda. Ehem. Mas maganda ako sayo pero maganda ka din. may lahi ka atang Bautista."

"Ikaw lagi mo na lang dinadaan sa kalokohan."

"Ang akin lang naman insan baka mainip si Warren na kakaantay sayo."

"....." (napasimangot naman ako dun :( )

"Oh wag ka na mag-emote diyan dahil aalis tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Saan pa ba edi sa tagpuan niyo ni Papa Warren. Sa Coffee and Cakes."

"Baka ano isipin ni Warren no. Ayoko nga."

"Ang arte mo ha? Inutusan ako ni mommy na bumili ng sample cakes may party siya ihohost at naisip niyang cakes na lang ang dessert. kaya samahan mo ako, ayan may alibi ka na."

"Sabihin mo ayaw mo lang talaga magtitikim-tikim ng mga cakes dun dahil baka tumaba ka."

"Alam mo naman pala insan eh. tara na!"

                Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Bumabyahe na tong van namin. Pano kung magkita nga kami tapos di niya na pala ako maalala? Baka di naman ako yung first time niyang hiningan ng name kasi sadyang matulungin talaga siya? HAY. Nageexpect ba talaga ako?

                Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung pumapark na kami. Andyan kaya siya?

   

"Oh insan, Asang lupalop ka? bababa na tayo. Kinakabahan ka no? haha"

"HINDI NO!"

"Relax. he he he. Makikita ko narin yang nagpapa-idle ng isipan mo"

"Tumigil ka na nga Sasha"

                   Papasok na kami sa pinto nung binati ako nung sekyu. Halatang namumukaan niya pa ako ah? Hindi naman kasi siya ganito bumati noon.

"Hi Mam! Ay sayang. Kakaalis lang po ni Sir Warren."

"Talaga manong? Hindi na ba yun babalik?"

"Huy. Sasha magtigil ka nga."

"Ay mam bukas panigurado andito yun. Di naman yun pumalya ng punta dito nung huli kayong nagkita mam eh. Araw-araw siyang nandito ng 1-3pm. Oorder pero di naman ginagalaw. Feeling ko mam ikaw hinahanap nun. Di naman yun araw araw pumunta dati."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon