Chapter 55: Departure

19.8K 207 88
                                    

Hello Loves!

Improving ako. Kasi pagkakota na pagkakota eh nagupdate agad ako. Go lang sa quota. 100 votes and 50 comments. Sumisipag ako. Wahahaha. Yung top comments mamaya na lang. Thats for Chapter 53 and 54. :")

Nga pala, paki-add niyo naman ang account ng stories ko sa facebook. Dun kasi muna ako nagpopost ng promotional picture for next chapter. Eh di una na kayo. Click niyo lang yang external link.

Kaway-kaway sa mga readers ko na lalaki. OMG. Thank youuuu!!! Hinihintay daw nila ang update ko parang NBA game. I am a fan ng Phoenix Suns. Lalo na ni Nash. :") Hi kela EduardoToledo at Raygan Pinuela. Saludo ako sa inyo. At sa mastermind na si Liezel Toledo kung bakit sila nagbabasa ng Fate of Love. :) Thanks. Sana wag kayong magsawa sa pagsupporta. :)

I dedicated this chapter to chiiinny :) kasi siya ang nakasagot ng tanong ko sa fb regarding sa song ng chapter na ito na A thousand years. So if you want na sa inyo madedicate ang next chapter sagutan niyo lang ang ipopost na tanong ko dun before ang next chapter.

Next chapter is entitled, Birthday Wish.

Happy Reading Guys,

Thank you,

Raiiinn <3

_____________________________________________________________________________

Nung lumabas ako naramdaman ko na nanginginig pala ang mga tuhod ko at ang lamig ng kamay ko. Hindi ko akalaing masasabi ko yun.

Lalong lalo na kay Warren.

Eto na yun diba?

Yung parte na tumalikod ako sa kanya at maglalakad palayo.

Yung parte na hindi na ako lilingon at tatakbo pabalik sa kanya.

Hindi ko lang talaga to nakita na gagawin.

Para kasing nakakaloko lang. Aantayin ko siya ng sa loob ng tatlong taon tapos ngayong nandito na siya at nahihirapan ako dahil ang laki ng pinagbago niya eh bibitawan ko na siya.

Ayoko na kasing magpakamartyr. Ako na lang at ako yung nasasaktan sa kanya. Ayos lang sana kaso may nasasaktan din dahil nagkakaganito ako.

Kung di ako kikilos. Hindi matatapos ang paghihirap ng sino man na kasama sa gulo na to.

Tama na, nakakasawa na ring maghabol.

At bukod pa dun, pano nga kung gumaling na si Warren? Pano kung isang araw eh maalala niya na ako?

Sapat na ba yun para bumalik ang nararamdaman niya sa akin?

Sapat na ba yun para hiwalayan niya si Maxene na laging nasa tabi niya?

Sapat na ba yun para maging masaya kami?

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon