Chapter 7: Not a very lucky day.

28.1K 188 13
                                    

Ayun. Kinabukasan binulabog lang naman ako ni Sasha para ikwento sa kanya yung mga nangyari. Kilig na kilig ang loka at gustong gustong dumikit sa akin para makita na si Warren. Tinatanong nga kung may kapatid, pinsan o kaibigan na gwapo si Warren. Sinabi ko may bestfriend siya kaso mukhang basag ulo. Nagtantrums si Sasha. Tawa na lang ako ng tawa. Panatag na ang loob ko na ganito kami ni Warren. Walang pressure. Kung madevelop nga siya sa akin I'll find it out. Tyaka ako din naman attracted sa kanya eh.

For now, He is so patient.

Di niya ako pinilit makipagkita sa kanya. We text. He'll call just to say good night. Sometimes we chat. Parang Long distance love affair. Magkaiba kasi kami ng school ni Warren. Thursday na ngayon. Sa sat magkikita kami para sa basketball practice niya. Wush Wush Wush. Excited na ako. :))

Ako na rin talaga ang aayos sa formal party cakes ng mommy ni Sasha. Yung babaeng yun naisahan talaga ako. Na-trim na namin by 5 cakes yung mga pagpipilian. Kailangan kong kunin yun at dalhin pauwi para ipatikim kay lola at tita. Asan si Sasha? ayun nagpaiwan baka daw magkita kami ni Warren at di siya makapagpigil at agawin niya. Lokaret talaga.

Pagpunta ko sa shop halatang kalat na kalat na na magkaibigan na kami ni Warren. Pano ba naman tong si Manong Guard kung makabati.

"Mam Rachel, Kamusta na po kayo ni Sir Warren? Nung huling dalaw po nun dito ang ganda ng aura. Ngiti ng ngiti. Ikaw din ngayon mam halatang inlove"

"Nako manong magkaibigan lang po kami ni Warren"

"Mam diyan din po kami nagsimula ng misis ko eh. May date po ba kayo ni Sir ngayon?"

"Ikaw talaga manong. Kukunin ko lang yung sample orders ko."

"Ay sige na  nga mam, basta po nafefeel kong magiging kayo. Balitaan niyo na lang po kami dito"

"O sige manong. Kung magkakatottoo nga yan" Sabay ngiti ko kay manong.

"WAG ka sanang magdilang anghel manong Ramon" boses lalaki na nasa likod ko.

Paglingon ko. 

O.O? 

"So ikaw pala yung kinalolokohang babae ng best friend ko?"

"Excuse me?" bakit ganito ang asta nito? Sino ba siya?

"Ohhh. Ano kayang nagustuhan sayo ni Warren?"

"Sir Patrick, Ano pong matutulong ko sa inyo?" naki-sabat na si manong Ramon.

Tumingin si Patrick kay Manong Ramon.

"Just give me 5mins to talk with this girl. Wag kayong mangingialam. Alm niyo kaya kong gawin."

"Pero sir baka magalit samin si sir Warren."

"Tsk"Sabay tingin sa akin. "Warren wont mind"

Hinila niya yung kamay ko. Aba ano bang gagawin nito sa akin at saan niya ako dadalhin??

"Teka nga mister, di kita kilala. Bitawan mo nga ako."

Dinala niya ako sa likod ng parking lot. Sabay binatawan yung kamay ko.

"Now, tell me who are you?"

"Excuse me?"

"Sa tingin ko pa lang sayo halatang gagawa na ng masama. Di ako makapaniwalang sayo na-fall si Warren. grr."

"Ang lakas mong magjudge. Sino ka ba?"

"Who cares kung sino ako? So tell me anong ginawa mo sa bestfriend ko at parang alien na siya ngayon?"

"ha? Hindi nga kita kilala. At kung bestfriend mo yung si Warren na kilala ko parang malabo. Masyadong mabait yun para kumaibigan ng katulad mo" 

"Warren Gabriel Villaroel ang name ng bestfriend ko. Ikaw ba si Rachel Elise Bautista. Sheesh. Pati ako nakabisado ko na."

"Ano naman kung ako yun mister?"

"Patrick"

"So ano sayo?"

"Anong gusto mo sa kaibigan ko?"

"WALA." Makaalis na nga dito. Nababastos na ako sa lalaking to. Pero hinawakan niya yung braso ko.

"Money, Fame or Past time?" 

Sinampal ko siya paglingon ko. Aba ang bastos nito ah. Di niya anman ako kakilala tapos ganito siya umasta. How can he judge me like that?

"So. Malakas ka sumampal. Now tell me, Anong gusto mong gawin para layuan si Warren?"

Palapit ng palapit sa akin si Patrick kaya napilitan akong umatras. Yung mga mata niya iba. galit nga siya pero ang lungkot naman ng mata niya. Ibang iba kay warren. pero sa totoo lang magkasing tangkad sila. Maputi din ito at may itsura,

Napasandal na ako sa pader at hinarang niya yung dalawa niyang kamay para di ako makaalis.

"So what now Elise?"

"Bakit ko naman allayuan si Warren, Siya ang nakipagkaibigan sa akin."

"Katulad mo din sumagot yung ibang babaeng naencounter ko. Hmm, Sa tingin ko wala kang pinagkaiba sa kanila. Kilala ko na mga tipo mo. Clinging to my bestfriend. Tsk. Iba nga lang kasi ganyan ka manamit."

"Anong masama sa blouse at jeans?"

"Ano? you are not attractive at all"

"Hindi ko alam bakit naging bestfriend mo si warren."

"At hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinatulan ni Warren. Name what you want."

Linapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

"I can be yours basta iwan mo lang si Warren"

So ganun? akala niya just other girls lang ako?

Iniwas ko yung ulo ko. "Sabi sa akin ni Warren, its not you who started fights. Ikaw ang nilalapitan ng gulo. I think hes wrong" Napapaiyak na ako.

Umayos na ng tayo si Patrick. Natauhan ata sa mga sinabi ko.

"I'll keep an eye sayo. So if your planning to tell Warren about this. Lagot ka sakin."

Umalis na siya. Nakita ko na lang siya papunta sa motor niya na nakahawak yung kamay sa batok habang nakayuko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Di ko namalayang ang bilis ng tibok ng puso ko. pero hindi katulad ng bilis ng tibok nung nakita ko si warren. Iba to. Alam kong takot to. :(

Ano ba ang pakay nung Patrick na yun na bestfriend ni warren sa akin? 

Naghahanap lang ba ng Money, fame or Past time? Ganon ba ang itsura ko sa tingin ni warren? bakit kay patrick ganun? 

Napansin ko na lang may tumulong luha sa mata ko.  Not a very Lucky day.

Parang ang hirap atang mapabilang sa buhay ni warren ah?

May issues din siya.

Si Patrick.

Ang bestfriend niya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon