Chapter 31: Mahal mo ba ako?

21.6K 153 50
                                    

Andito na ako sa tapat ng gate namin at lutang parin sa mga sinabi ni Patrick. So hindi pa pala umeepekto yung consequence ng pagbali ko ng promise? Napangiti naman ako bigla. 

"Thanks for comforting me Patrick"

Pagpasok ko sa loob ng gate. I saw a familiar someone. May hawak siyang flowers nakaupo dun sa upuan namin sa may garden. Nakayuko siya at patingin tingin sa relos niya.

Si Warren.

He's here.

Nakita niya ako na papasara na nung gate. Napatayo siya at lumapit sa akin.

"Ray, Im sorry"

Ngayon nakikita ko siya tapat ko mas lalo akong nainis sa sarili ko na hinayaan ko siya kasama si Maxene pero at the same time nakakaawa din naman na makita siya na andito na agad. Siguro super madali siya para maihatid si Max.

"Ayos lang. Wag mo na isipin yun"

"Flowers for you" They are my favorite. Pero bakit di ako masaya na makakuha ng ganito mula sa kanya?

Kinuha ko yung flowers. "Thank You. Warren siguro pagod ka na, umuwi ka na"

"Ray, I want to explain sayo"

"Okay lang, alam ko naman dapat kung saan ako lulugar diba? She's Maxene."

"Hey, Wag mo naman sabihin yan"

"Warren, pagod na rin kasi ako. Gusto ko na magpahinga"

"Can we just fix this problem first?"

"Wala naman dapat ayusin diba? Ayos lang sa akin kaya wala ka ng dapat ika-worry. Papasok na ako sa loob"

Masama na talaga ang pakiramdam ko. Siguro kasi narealize ko kung mahal niya ako at mas importante ako kay Max di niya hahayaan na magmukha akong tanga habang nagtatawagan sila ng Marsh at Mallow. Sumpa di muna ako kakain nun. Alam ko naman, Karma ko yun. Alam kong ganti ng tadhana yun sakin pero bakit pati si Warren parang di ako nakuhang ipagtanggol. Andito siya sa harap ko ngayon para ano? Magpaliwanag na di niya ginusto yung nangyari na kesyo papagalitan si Maxene? Hindi ba halata sa akin na gusto ko siya maghatid sa akin? Akala ko iba siya sa ibang lalaki pero bakit parang manhid na ata siya o baka mas sensitive lang siya pagdating kay Maxene?

Tumalikod ako sa kanya at papasok na sa pinto kaso nagsalita siya ulit.

"Sorry for being so insensitive. Sorry for making you feel youre worthless. Sorry kung nagpaka-superman ako kanina na gusto ko kayong dalawa ni Maxene ay mapagkasundo ko. Besides my mom, kayong dalawa ang mga pinaka-importanteng babae sa buhay ko kaya gusto ko kayong magkasundo kaso hindi pala pwede may isa pa rin talagang masasaktan. Di ko lang inasahan na ikaw yun"

Napahinto ako sa mga narinig ko. Yun pala ang gusto ni Warren ang magkasundo kami kaso sa tingin ko rin malabo mangyari yun. Iba ako, iba si Maxene ang masaklap pa nito parehas naming mahal si Warren. Pagmamahal na higit sa pagkakaibigan.

"Mahal ka ni Max, Warren. Di ba siya narin ang nagsabi sayo?"

"Alam mo naman kung ano lang tingin ko kay Max diba?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon