Chapter 58: Remember

18.9K 179 58
                                    

Hello Loves! :"> 

Sorry sa late update. Estudyante na po kasi ulit ako at nasa kalagitnaan na ng sem kaya kailangan na magsipag. So please understand me.

Yung dedication po para sa chapter na to ay malalaman next chapter. Wala pa kasi dito yung sagot dun sa tanong ko. Wahahaha. Suspense talaga. Pasensya na. I will just notify you. Major spoiler kasi pag sinabi ko na.

Nga pala diba nagrequest kayo na malaman kung ano ang nangyari kay Warren dun sa three years niyang pagkawala? TADAAAAAA! Sinagot ko na ang hiling niyo. Sa bago kong story na THE ONE. If you want to know kung paano tatakbo ang storya just visit Rain-ational Stories sa facebook. Dun ako magpopost ng pictures of that new story.

Yung winners ng dedication ng Chapter 4,5,6 ay malalaman bukas. At swear na swear na yung top comments ay bukas din. Sorry sa mga pangako ko na napako. T__________T

Gusto ko nga po palang humingi ng oras niyo para basahin ang Perfect Match <3 naka-promotional break po kasi siya. Sana gaya ng pagsupporta niyo sa Fate of love eh masupportahan niyo din yun. Pleassssse! :"> Click niyo lang yung link sa gilid.

Thats all.

Happy Reading, 

Raiiinn <3

_____________________________________________________________________________

"Rachel"

Dahan-dahan ko minulat ang mata ko dahil sa tinig na aking narinig. Nakatingin sa akin sila Danica at Efren na nagaalala.

"Mabuti naman at gising ka" sabi ni Efren

"Nasan a-ko?"nahihirapan kong tanong.

"Nasa kwarto natin.Ano bang nangyari sayo? Nakita ka na lang namin sa labas ng kwarto natin, nakasandal dun at walang malay.Pinabuhat na lang kita kay Efren papunta dito sa kama mo."

Nagflash back sa akin ang mga nangyari kanina. Yung saranggola, pagyakap sa akin ni Warren, pagtakbo ko, pagsakay sa elevator, pagatake ng claustrophobia ko at syempre ang hangin na naramdaman ko sa aking mga labi.

Napahawak ako sa labi ko nung mapansin na naka-jacket na ako. Mabilisan akong napaupo.

"Kanino to?" tanong ko kela Efren at Danica.

"Suot mo na yan nung makita ka namin" sabi ni Efren

May kung anong dabog akong naramdaman sa aking puso. Siya din ba yung nagligtas sa akin sa elevator?

"Ray, kailangan mo ng ayusin ang gamit mo. Dalawang oras na lang aalis na tayo eh" sabi ni Danica.

"Teka, si Warren?" napatanong ako sa kanila.

"Mauuna na daw siyang umuwi. Di na siya sasabay sa bus natin"

I guess lahat ng nangyari ay totoo. We're done. Wala ng Warren at Rachel. Napahawak ako sa labi ko. I know its not him pero sino?

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon