Chapter 26: Patrick's past

22K 121 21
                                    

Ewan ko ba kung anong espirito ang nagpapatayo sa akin at nagpasabi ng "Excuse me".

Hinawakan ako ni Warren sa kamay "Are you Okay?"

"Mag-ccr lang" nginitian ko siya.

Mabilis akong naglakad papuntang cr.

Hay. Ano ba tong nararamdaman ko. Kainis kung ano na lang ang tumatambol sa puso ko. Pag pasok ko sa loob mukhang wala namang tao. Napatingin ako sa salamin.

Si Patrick nga ba yun at si Patricia?  Si Patricia, Patrick's ex or maybe Patrick's first love. Walang duda siya nga yung babae na umiiyak para balikan si ni Patrick. Kung bakit ba naman kasi bigla akong naihi sa kilig kay Warren nun eh. Shemai (=___=) Ano kayang sasabihin niya pag nakita niya akong kasama si Warren? Eh diba ang alam niya new girlfriend ako nun ni Patrick? Eh sila na naman siguro ngayon kasi nakita ko pa silang magkaholding hands. Pero wait. Ano naman kinalaman ng tambol sa puso ko sa dalawang yun? Shemai.

medyo kakaiba ito kesa yung naramdaman ko nung hawak hawak ni Patrick yung kamay ko nung pre-valentine date namin eh. Ano ba to? Ang gulo naman. Inayos ko yung buhok ko at huminga ng malalim. Lalabas na ako ng cr, wala naman kasing magandang kahulugan ang nararamdaman ko ngayon. Keri to.

Papalabas na sana ako kaso bumukas yung pinto nung cr pagtingin ko.

(O_______________________________________O)

Si Patricia?!!!


"I guess we've seen each other before right?" nginitian niya ako.

"Uh-Uh" habang nagnonod

"Sabi ko na nga ba, Ikaw yun eh. Yung ex ni Patrick"

Ex?!!! Wait ang pakilala niya sa akin nun ay new gf tapos ngayon ex na lang. Ay oo nga pala sila na nitong babae sa harap ko si Patricia.

"Ay hindi hindi. Nagkakamali ka"

"Grabe nga eh. Minahal ka nga ata nun ni Patrick. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito after Raygine"

"Raygine?" sino naman yun? akala ko ba si Pat yung ex niya eh bakit may Raygine.

"Si Raygine Patricia Meneses. Pat for short pero di Pat ang tawag ni Patrick dun. Its Ray"

Teka naguguluhan na ako. Hindi ba si Patricia etong nasa harap ko? Eh sino to? Tyaka yung tawag ni Patrick kay Patricia ay Ray? Oh my! Kaya ba niya never niya akong tinawag na Ray? Napansin ko kasi laging Elise ang tawag niya sa akin.

"I thought youre--"

"Patricia? No. I'm Melissa Fajardo" inextend niya yung kamay niya sa akin

"Rachel Elise Bautista" nakipag-shake hands din ako

"I know. Elise, lagi ka sa aking nakukwento ni Patrick sa akin"

"Ahm wait ah hindi naging kami ni Patrick."

"Ano ka ba! Ayos lang yun no. Kung ayaw mong malaman ng date mo na si Patrick yung ex. I'll zip my mouth"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon