Chapter 14 (part1): The Date?!!!

25.4K 162 43
                                    

Guys!! :3

Question:

Saan ka kabilang: Team Warren or Team Patrick??

Two parts po itong chapter na to.

Comment kayo gusto ko malaman yung reactions niyo. :3

Salamat :>

-- ms. blueballoon19

__________________________________________________________________

Naligo na lang ako kahit wala ako sa mood tyaka kinakabahan. Pano ba naman kay Patrick ako makikipagdate? Eh baka magaway lang kami maghapon. Nagtagal na lang ako. Nagpapatuyo na ako ng buhok ngayon.

Bakit kaya naglasing si Warren kagabi? Ako ba dahilan? O sige di naman ako manhid kaso ayoko namang mag-feeling. Shemai! Kung pwede lang tumakbo papunta kay Warren para yakapin siya ngayon kanina pa ako tumakbo.

Nagaalala ako kay Warren.

When you worry, you care.

"Mister, pwede bang lumabas ka muna ng kwarto? Di pa ako nakakamili ng isusuot kong damit" Nakasandal ako nito sa pinto at hinhintay yung sagot ni Patrick.

"Insan, labas na. Wala na si Yummy Patrick dito"

Sasha?! Lumabas na ako agad ng kwarto.

"Insan. Sino si Patrick? Hulog ng langit ah? Para sakin ba? Sa akin na ba yan??" Aba't nagtatatalon na si Sasha sa harap ko.

"May Xyrus ka na" kumanan ako tapos pumunta sa cabinet ko para mamili ng damit.

"So insan sayo ulit? Aba ang lakas mo kay God ah?" sinundan niya ako at nagsimula nang mangasar.

"He's Warren's Bestfriend" sabi ko habang tinitignan kung anong blouse ang pipiliin ko.

"What??? Nako tara insan, bestfriend pala ni Papa Warren si yummy Patrick  eh, tutulungan kita" hinila niya ako papunta sa kwarto niya.

Yep may kwarto si Sasha dito sa bahay. Actually extra room yun bukod sa guest room. Eh dito naman kasi nakatambay lagi si Sasha dahil sa parents niya na laging wala sa bahay. Pareho kaming solong anak kaya di niyo masisisi na close talaga kaming magpinsan. Binitawan ako ni Sasha at nagsimula na magkalikot ng mga damit niya. Nilagay niya sa kama ang mga potential na damit na ipapasuot niya sa akin.

What? are those dresses?

"Sash! Bakit parang puso dresses yang nilabas mo?" eng eng talaga tong pinsan kong to. Kung alam niya lang na di ko gusto kadate yung mokong na yun

"Insan, ano ka ba? dont tell me magjejeans ka lang? ewan ko nga dun kay papa warren at bakit na-spotan ka nun eh para kang manang magdamit.

"Simple ako manamit." Yea, ayan na naman kami sa pangookray niya na akyoko magdress.

"Okay, sabi mo eh." Tyumayo siya at lumapit sa kama. "There! choose." 

Pagtingin ko sa kama ayun 3 dresses. Blue, Yellow at Baby pink. Aba.

"Insan, ayoko niyan" pabalik na ako sa kwarto.

"Please insan for now lang magmukha ka namang babae."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon