Chapter 52: Loss Memory

19.3K 193 93
                                    

Hello Loves!

Eto na po ang update na dapat bukas. Ginawa ko na kasi may kailangan akong gawin bukas. Acad thing! Ayun. Sana magustuhan niyo. If you want to see kung nakapasok kayo sa top comments ng Chapter 50 at 51 click niyo lang yung External Link sa gilid. Tyka, may announcement din po dun na sa tingin ko dapat niyong makita.

Still, kota is on. 100 votes and 50 comments.

Happy Reading,

Rain<3

______________________________________________________________________________

"Kilala ba kita?"

Tinitignan niya ako ng parang takang-taka kung bakit ko tinawag ang pangalan niya.

"Im sorry" sabi ko.

Hindi na ako tinignan nun ni Warren.

Si Warren to eh. Si Warren talaga. Halata mong tumangkad siya. Namayat din siya eh at talagang pumuti pa. Hindi ko maiwasan na di tignan siya. Nakasandal siya dun sa upuan niya habang nilalaro laro yung cellphone niya. Bored ba siya?

Hindi na ulit siya lumingon sa akin.

Diyos ko, si Warren na ba talaga tong nasa tabi ko?

Tatlong taon ko tong hinintay diba? Bakit sorry lang ang nasabi ko? At bakit di niya ako makilala? May kung anong sumisikip sa dibdib ko. Bakit ganito na lang ang pagkikita namin?

Tatawagin ko sana ang pangalan niya ulit nung biglang pumasok na si Mam Reyes.

"So youre all here in my extra class. Some to cope up to the lessons, yung iba kailangan talaga kundi babagsak na at yung iba just to earn additional units."

Namigay si mam ng mga handouts na pinapapasa pasa.

"Since itong subject naman na ito ay extra classes lang. I want all of you to work by partners"

Halatang wala talagang paki si Warren sa nangyayari ngayon. Kitang kita na walang expression ang mukha niya. Nung pinasa niya pa sa akin yung papel eh linapag niya yun sa desk ko at inusog papunta sa akin ng di ako tinitignan.

"At dahil I love everything in random, yung katabi niyo na ang partner niyo for this class" sabi ni Mam.

So ibig sabihin nito partner ko si Warren for this extra class?

Nagulat ako nung nagtaas ng kamay si Warren.

"Ano yun Mr.-?"

"Villaroel, Mam"

"Oh, Mr. Villaroel. Ikaw lang pala ang estudyante na nagenrol dito to earn extra credits sa bussiness administration mong course. What about then?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon