Chapter 60: Denial

17.8K 162 47
                                    

Loves! :"<

Sorry ngayon lang. Let me share to you something na bukod sa acads ang dahilan ng delay ng story na to.

Una, yung pakiramdam na nawala yung pakiramdam na dapat kong iconvey sa story na to. I want the best. Eto ang pinakauna at mahal na mahal kong story. I must give my all. Kaya sana maunawaan niyo ako. Hehehe. Ayoko magdrama. Gusto ko man sana i-hold to kaso I dont want to make a scene. AYUN, itutuloy ko po to. Pasensya na talaga. Busy na talaga kasi nalalapit na ang thesis mode ko. Again, sorry po.

Pangalawa, gusto kong mahabol ng The One ang pace ng Fate of Love kaya nandun ang Focus ko. If you want to know the story of The One. Please click the external link at the right side.

Pangatlo, Ewan ko ba pero kinikilig ako sa pag gawa ng Perfect Match <3 Ewan ba kasi ang light lang nun kaya isa pa ang pag-agaw nun sa focus ko. Kasalanan ko.

Loves, sorry talaga.

At maraming salamat talaga sa  paghihintay niyo at sa efforts niyo na subaybayan niyo eto. Thank yooouuuu!

Sana pagpasensyahan niyo ako.

Happy Reading,

Raiiinn <33

______________________________________________________________________________

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Patrick.

Masyado ko pa siyang masasaktan kung di ko to sasabihin.

"Patrick, may kailangan kang malaman."

Nakatingin lang siya sa akin.

"Sorry ayoko na kitang saktan pero mahal ko parin si Warren"

Hindi siya nagulat sa sinabi ko.Ngumiti siya sa akin at niyakap muli ako.

"Wala akong paki. Malakas ang loob ko na nalilito ka lang"

Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin.

"Pat, tama na. Alam mo namang may mali diba? Di lang sa amin ni Warren kundi sa ating dalawa rin. Sa bawat habol ko sa kanya nasasaktan kita. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Bakit hindi mo sa sarili mo yan itanong?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. He smirked and continue his words.

"Mahal mo siya kaya pano ka magsasawa? Mahal kita kaya pano ako magsasawa?"

"Ayoko lang na maging malungkot ka sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko na inisip ang nararamdaman mo nung pumunta ako dito. Gusto ko kasing malaman ang totoo. At nalaman ko nga. Naaalala na ako ni Warren at alam kong mahal niya pa ako"

Nagulat si Patrick.

"Naaalala ka na niya? Kelan pa daw?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon