Chapter 25: Double Date?

22.2K 121 20
                                    

Nagulat ako sa ginawa kong iyon. Tumakbo ako at mabilis na pumasok sa bahay. Sinarado ko yung pinto at napasandal dito. Nako naman Ray bakit mo ginawa yun. Shemai. Ang landi mo eh. Ikaw ang nagfirst move. Ramdam ko ang init ng mukha ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa labi ko.
That's the first time I did that.

I kissed him.

I kissed Warren.

Wait. Its not big deal naman diba?

Yung nangyari kanina.

Wala kasi akong maisip na iregalo na special.

Sa tingin ko ayos naman yun?

Feeling ko nga nagulat siya kasi...

Pagbaba ko ng kotse inabot niya sa akin si Wael, yung blanket at flowers.

"So my Valentine and Future Girlfriend, Nagenjoy talaga ako. Good night!" ngumiti siya sa akin.

"Someday ko" Lumapit ako sa kanya "Good night!"

 Then I kissed him

Nahirapan ako sa kiss na yun ha. Kasi may katangkaran sa akin si Warren so kailangan kong magtiptoe. Nakangiti pa siya sa akin nun nung ginawa ko yun sa kanya at halatang nagulat siya. Hindi ko inasinta yung labi niya no. Kaya hindi naman talaga big deal diba?

I just kissed him on his cheeks.

Siguro ang big deal nga lang dun ako yung naginitiate. Wala na talaga ang pagkamanang ko. Oh my! Nako naman. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Bakit ako hindi nakapagpigil? Warren naman kasi eh.

Bakit ba ganun na lang ang lakas ang hatak mo sa akin?

_______________________________________________________________________________

Its been two weeks now after valentines day. Bukas March na. =)))

Kamusta naman ang mga tao sa paligid ko? Si lola ganun pa rin ang hobby. Si papa nasa europe parin for work. Si Sash ayun going strong sila ni Xy. Malapit na feel na feel ko na magiging sila bago kami magfourth year. Hahaha. Si Wael ayun binilhan ni Warren ng damit at nung minsan pa nasungitan pa ako nun kasi parang di ko daw pinapakain. Namamayat daw. Ano bang balak niyang gawin sa stufftoy na yun gawin talagang anak namin? Kung isip bata nga naman ang manliligaw mo oh! Yes hanggang ngayon pa rin si Warren sa panliligaw sa akin. Parang pag may nangyari ngang sweet ng isang araw parang gusto ko kinabukasan eh sagutin ko na siya kaso eto namang si Warren di pa rin niya tinatanong iyon. Hais. Parang ako yung naiinip ah? Wala na talaga akong bakas ng pagiging manang. Hmmm, si Patrick? 2 weeks ko na siyang di nakikita.  After that night, parang wala na. Si Warren naman sinasabi na madalas di niya na naabutan busy daw sa banda at mga babae. Napaka-babaero talaga nun. Di ako nagseselos no. What I am worried about is feeling ni Warren napapasali na naman si Patrick sa gang fights. Hindi nga lang niya mahuli sa akto pag tinatanong naman niya laging iniiba yung usapan. Hays.

Its Friday today at dahil may manliligaw ako abat hatid sundo ako. Swerte ko nga at di pa masyadong busy sila Warren sa varsity eh at yung student council matters niya. Patapos na rin kasi siguro ang school year.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon